Ikaw ang buwan na hinihiling ng bituin
Takip-silim na naman, narito't babagtas ang luha,
Nariyan na't dumadausdos mula sa aking mata
Kailan pa kaya titigil 'tong aking nadarama?
Nakakubli sa dilim kung kaya't malabong makitaYaong mga ilaw na sa kalangitan ay naipinta,
Masdan! Sila'y nakapaligid sa marikit na obra
Sa tuwing tititigan ay talagang nakamamangha
Sa gabing mapanglaw, nagbibigay liwanag at sayaHindi ba nararapat humiling na maging akin ka?
Ipinagbabawal ba ng kalangitang mahalin ka?
Kung ganoon nga, handa kong kalasin ang tanikala
Upang sa rehas ng pag-ibig, ako ay makalayaIkaw ang buwan na hinihiling ng bituin, sinta
Sa kasamaang palad, isa lang ako sa kanila
Isa sa bilyon-bilyong nangangarap makapiling ka
Ngunit sawi, 'pagkat 'di ako sa 'yo itinadhana.
BINABASA MO ANG
Metapora sa Pluma
PoesíaKalipunan ng mga tulang hinabi gamit ang tinta ng pluma. Metapora sa Pluma @BleedingWanderer