Kundiman
Narito't muli na namang sumisilip sa durungawan,
pilit iwinawaksi sa isip ang nagdaan,
kita ang dagitab ng bituin mula sa kalangitan,
may pag-asa pa kayang makawala sa karimlan?Hindi na kaya maibabalik ang lahat sa dati nitong tono?
ang pagbagsak— hindi na kaya maaayos ang sirang instrumento?
ngunit sa kabila ng lahat ng ito,
puwersahang lumapat ang kamay, umaasang makagagawa ng panibagong ritmoIsang nakatutulig na huni ang narinig ko,
nag-iba na ang himig,
hindi mahinuha, hindi maintindihang pag-ibigAng mga tinig ng melodiya,
mga nararamdamang inilapat sa musika,
naririnig mo ba?
tila yata nabingi na ang puso mo,
inihahayag, ipinapaunawa, ngunit 'di mo pa rin batid ang pagsinta ko.At malabo na nga sigurong maging masaya ang kundiman na alay ko sa iyo, 'pagkat nakalulungkot na trahedya ang kinahantungan ng musika ko.
BINABASA MO ANG
Metapora sa Pluma
PoetryKalipunan ng mga tulang hinabi gamit ang tinta ng pluma. Metapora sa Pluma @BleedingWanderer