Ang Pluma
Bakas ang hinagpis sa kaniyang mukha,
kita ang badha ng yaong nakakubling hilahil
nais na niyang makawala,
sa kulungan ng panaghoy, dahil kirot ay hinahabol siyaNgunit bagwis niya'y tila napipigilan
makaalpas lamang— tangi niyang inaasam,
ngunit ang pagkakahabi ng hawla,
ay masyadong mahigpit upang siya'y makalayaKahabag-habag na nilalang!
Waring may tanikalang nakapulupot sa leeg niya,
patuloy na nagdurusa,
'pagkat nawalan siya ng tinig na magsabi ng nadarama sa kaniyang sinisintaDahil sa bawat papel, may lumalapat na metapora,
sa bawat kathang nagagawa,
sa bawat pag-ukit ng pluma,
ay may mga letra na naghahayag ng damdamin na 'di maipabatid sa iniirog niyaAng sansinukob niya'y patuloy pa ring dumaraing
nawa'y mapakinggan ang kaniyang hinaing,
gamit ang papel at pluma,
makakawala ang mga salitang nais niyang sabihin
at makagagawa ng panibagong tula't prosa na alay para sa iniibig.
BINABASA MO ANG
Metapora sa Pluma
PoetryKalipunan ng mga tulang hinabi gamit ang tinta ng pluma. Metapora sa Pluma @BleedingWanderer