Pagkahulog sa Kailaliman ng Abismo
Litratong bitak ngayo'y hawak n'ya
Bakas ang masayang alaala
Subalit sa isipa'y nabura
Sa larawan na lang ba talaga?Ngiti'y nais ipuslit sa mata
Ngunit pa'no ito magagawa?
Pilit ikinubli— nadarama
Yaong paghihirap ang nakita"Aking Dalia! Kahabag-habag ka!"
Waring binusalan ang bunganga
Ipinulupot ang tanikala—
Hinila upang 'di makahingaMahigpit na ang tali ng hawla
'Di sapat sa ibo'ng makalaya
Pagtanaw ang tanging magagawa
Pangarap na makaalpas t'winaNababagabag na ang isip n'ya
'Hindi mawari ang ginagawa
Hayaan nawa s'yang makawala
Sa bagsik na dulot ng tadhanaNamutawi ang ngiti sa mukha
Ngunit marahan itong nawala
'Di pala saya ang nadarama
Sa sarili'y naukit ang awaBukangliwayway ay sasapit na
Pagtingin n'ya sa salamin— luha
Magdamag na tumangis sa kama
Maaari bang siya'y isalba?'Pagkat sa abismo'y nalunod na
Hindi na muling makaahon pa
Nahulog sa bangin na nilikha
Ng kalungkutan at pagluluksaSa namatay na katauhan n'ya
'Di na muling maibabalik pa
Wala na ang tuwa sa puso n'ya
Naranasan no'ng kamusmusan paOo nga't ang pangalan ko'y Dalia
Sa salami'y lawara'y nakita
Ako pala'ng dilag na nagdusa
Sa lumbay, 'di na nakaahon pa.
BINABASA MO ANG
Metapora sa Pluma
PoesieKalipunan ng mga tulang hinabi gamit ang tinta ng pluma. Metapora sa Pluma @BleedingWanderer