MagsasakaPastoral (Dalitbukid)
Kita ang mga ibong umaawit sa puno,
Pati ang sumisibol na ganda ng mga liryo,
Aming bukiri'y talaga namang nakamamangha,
Tanawi'y hahanap-hanapin ng mataMasdan ang nahinog na bunga ng mangga,
Ngayo'y nahulog na sa tuyong lupaAng kalabaw na siyang katulong sa gawain,
Pag-aararo ay aatupagin,
Kasama ang baka't pato,
Mga alagang sa bukid ay kukumpletoAng barongbarong na nagsisilbing pahingahan,
Sa tanghali'y nagbibigay ng kapayapaan,
Ipikit ang mata't matulog ka,
Matitiyak mong makalalasap ka ng ginhawaDamhin ang preskong hangin,
Nakakapagpakalma ng damdamin,
Mga dahong sumasayaw,
Pagaspas nito'y sumisigawNgunit ang mas bibigyang halaga sa lahat ng ito,
Ay ang pangunahing paksaAng magsasaka,
Magsasakang nagpapakahirap upang maiahon ang pamilya
Nagpapakapawis upang makapaghanap ng salapi,
Pagtitiyaga ang karaniwang gawiNagtatanim ng samotsaring gulay
Ibebenta, dahil ito ang pamumuhayMga butil ng palay, ngayo'y kulay ginto,
Paggapas na naman ang gagawin
Magtatawag ng kasama para dito,
Upang may maani rinHindi mo ba batid ang kanilang paghihirap?
Na ginagawa ang lahat para sa pangarap?Nais mapaaral ang kanilang mga anak sa eskuwelahan
Makapagtapos at mabigyan ng magandang kinabukasanTinitiis ang bawat pagod,
Sa putik nakangudngodNaglilinang kahit tirik na tirik ang araw,
Nagtatrabaho sa gabing mapanglawEkta-ektaryang palayan,
Ang sinasaka upang matugunan,
Kumakalam na tiyan,
Ng bawat Pilipino't kanilang pangangailanganNawa'y pahalagahan ang sakripisiyo,
Ng mga magsasakang dulot ay pag-unlad
Bayaning nagmula pa sa malayo,
Ang kasipagan ay walang katulad.
BINABASA MO ANG
Metapora sa Pluma
PoetryKalipunan ng mga tulang hinabi gamit ang tinta ng pluma. Metapora sa Pluma @BleedingWanderer