Araw at Buwan
Masdan ang pagkislap ng kalangitan,
hindi ba't nakamamangha?
Tingnan ang liwanag ng buwan,
hindi ba't nakapagpapakalma?Sa kabilang banda, narito ang araw,
sa silangan nagmumula— ika'y tumanaw
hindi ba't nakatutuwa?
Sa pagsilip ng liwanag, ikaw ba'y humahanga?Batid mo ba kung bakit hindi sila puwedeng magsama?
Ang kuwento raw ay dahil ipinagbawal ang pagmamahalan nila,
ngunit sa kabaitan ni Bathala,
ibinigay ang duyog upang sila'y muling magkitaKatulad nating dalawa,
magkasalungat at hindi nakatadhana para sa isa't-isa,
para tayong araw at buwan,
maraming hadlang sa ating pagmamahalan.
Ngunit sana isang araw, mapagbigyan ito,
sisiguruhin kong walang makapipigil sa pagsinta ko sa iyo.
BINABASA MO ANG
Metapora sa Pluma
PoetryKalipunan ng mga tulang hinabi gamit ang tinta ng pluma. Metapora sa Pluma @BleedingWanderer