Hinaing ng Damdamin
Lisanin man ng buwan ang bituing sa gabi'y namamalagi, ang araw ma'y 'di na muling lulubog sa dapit-hapon, at ng mga iba pang bagay na imposibleng mangyari, sa lahat ng ito maihahalintulad ang pagmamahal ko sa kaniya. Tila isa sa pinakaimportanteng alaala na matagal nang nanatili sa memorya, hindi mangyayaring ito ay mabura. Tulad ng isang mayang napamahal na sa pagkakakulong sa hawla, hindi man makawala ay masaya sa pananatili.
Waring isa sa pinakamahirap na pormula sa matematika na binuo ng tanyag na tao— ngunit walang maaaring solusyon kahit paghirapang sagutin. Napakagulo, ang pormang pagkakabuo, tulad ng isang abstraktong ipininta sa museo, mahirap intindihin. Napakakomplikado ng nararamdaman ko para sa kaniya, nahihirapan ngunit kinakaya. Tutulo mang muli ang likido sa aking mga mata nang dahil sa kaniya, pipiliin pa ring manatili at maramdaman ang katiting na saya.
"Subalit hinihiling na sana isang araw, sa pagdating ng tagsibol, ako ay makalaya na mula sa tanikala ng pag-irog ko sa kaniya. Kung sakali, baka sakali, ngunit masisiguro kong hindi pa sa ngayon."
BINABASA MO ANG
Metapora sa Pluma
PoetryKalipunan ng mga tulang hinabi gamit ang tinta ng pluma. Metapora sa Pluma @BleedingWanderer