Sulat

8 0 0
                                    

"𝙎𝙪𝙡𝙖𝙩"
[𝘛𝘩𝘦 𝘧𝘰𝘭𝘭𝘰𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘯𝘤𝘭𝘶𝘥𝘦 𝘷𝘶𝘭𝘨𝘢𝘳 𝘸𝘰𝘳𝘥𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘥𝘶𝘭𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘮𝘦𝘴. 𝘙𝘦𝘢𝘥 𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘰𝘸𝘯 𝘳𝘪𝘴𝘬.]
.
.
.
"Ma'am Kim, may nag-papabigay po netong sulat sainyo." ani ng aking secretary.

Napaangat ako ng tingin sakanya at napatingin sa hawak niyang sulat.

Kinuha ko ito at ngumiti.

"Kanino galing, Ace?" tanong ko habang binubuksan ang envelope.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Nakasumbrero po ang lalaki kaya hindi ko po masyadong nakita ang mukha niya." sambit nito.

Tumango ako at dinimiss na siya. Kinuha ko ang laman nung envelope at napangiti nang may mga design siyang puso at kung ano ano.

 ̄ ̄
Dear Kim,

Hi, Kim! Hindi ko muna sasabihin ang pangalan ko pero gusto kong malaman mo na mahal kita. Alam mo ba? Lagi kitang tinitignan, lalo akong na-iinlove sa bawat galaw mo. Kahapon, sinundan kita pauwi sa bahay niyo, live in pala kayo ng boyfriend mo. Bakit, Kim? Ano ang meron sakanya na wala saakin? Akin kalang, Kim. Saakin kalang dapat! I know everything about you. I know when your birthday is, your hobbies and even the mole you have under your boob and thighs. Balang araw, mapapasaakin ka rin. We'll create one happy family and die together. You and me, forever.. I love you, Kim.

From: Anonymous

 ̄ ̄
Nanlalaki ang aking mga mata habang binabasa ang sulat. This is creepy. How does this person know about my mole?

Napatingin ako sa paligid at nakaramdam ng kaba. Umiling nalang ako at inisip na, siguro prank lang 'to ni Sevi, ang aking boyfriend. Inalis ko sa aking isip ang laman ng sulat dahil nawe-weirduhan ako at tinapos nalang ang natitirang trabaho ko.

Lumipas ang ilang oras at sa wakas, tapos na rin ako. Tumayo ako sa pag-kakaupo at niligpit ang aking mga gamit, pagtapos ay lumabas na ng opisina.

"Uuwi na'ko, ingat kayo!" saad ko sakanila.

"Bye po, Ma'am Kim."

"Ingat po kayo, Ma'am."

"Salamat, Ma'am Kim. Take care din po."

Ngumiti ako sakanila at lumabas na ng building.

"Guess who?" ani ng lalaki na may pamilyar na boses.

Ngumiti ako at siniko siya.

"Shut up, Sevi. Tara na, uwi na tayo." natatawa kong sabi

He gave me a hug and smack before we started to walk home.

 ̄ ̄
Naupo ako sa kama nang matapos maligo at kumain. Ngumiti ako nang lumabas si Sevi sa banyo, walang kahit anumang saplot kundi ang twalya na nasa bewang niya.

" Mag-bihis kana nga! Naka-display kapa jan, tadyakan kita eh." natatawa kong binato sakanya ang unan.

Tumawa rin ito at sinalo ang unan, pagtapos ay tinungo ang closet upang kumuha ng damit.

"Oo nga pala, meron akong natanggap na sulat kanina. Siraulo ka talaga, andami mong kalokohan." umiiling kong sabi.

Kunot-noo naman siyang tumingin saakin tila nalilito sa aking mga sinasabi.

"Sulat? What are you talking about?" naguguluhan niyang tanong.

"Huwag ka ngang mag-biro ng ganyan, Sev." kinakabahan akong tumawa at kinuha ang bag, binato sakanya ang sulat.

Sinuot niya ang t-shirt niya bago pinulot ang sulat at binasa. Kunot noo niyang nilukot ang papel at tinapon kung sa kung saan.

"Hindi ako 'yan. Sino ang nag-bigay niyan sayo?" tanong nito.

MY ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon