Happy For You

15 1 0
                                        

"𝙷𝚊𝚙𝚙𝚢 𝙵𝚘𝚛 𝚈𝚘𝚞"
.
.
"Reiji, ano ba yan! Ang harot mo!" saad ko at sumimangot.

Napatigil siya sa pangingiliti at ngumuso.

"Naglalambing lang naman ako, sorry na Chiyo." tinignan ako nito at nag-puppy eyes.

Umirap ako at ngumiti. Magta-tatlong taon na kami ni Reiji pero hindi parin nagbabago ang kahit anumang pakikitungo namin sa isa't isa. Our first meeting was kind of cliché. Naaalala ko pa ang una naming pagkikita. Nakabunggo ko siya noon sa corridor tapos siyempre, galit na galit siya. Typical bad boy. We always bumped into each other and fortunately, we got along pretty well. Niligawan niya ako, sinagot ko siya ng mga ilang buwan. Hindi ko na pinatagal cause what's the point? Mahal ko naman siya, courting me will only waste our time dahil sa huli, sasagutin ko rin siya.

Ngayon, heto kami at magta-tatlong taon na. Kahit na matagal na kami, hindi parin siya nagbabago which is good. I'm proud to have him. Although, our relationship was kept secret, I don't know why pero ayaw niyang malaman ng iba na may relasyon kami, issue daw masyado. I just shrugged at him back then and didn't mind it at all. Basta ang importante saakin na mahal namin ang isa't isa. The university that I attend to offered me to study in Germany, it was a good offer pero hindi ko kayang iwan si Reiji kaya tinaggihan ko ito. Everyday we would meet each other, go on dates and watch movies at his house. I was so happy until one night, he went to my place...

"R-reiji, ano ba! Bitawan mo ako!!" sigaw ko at nagpupumiglas sa kanyang hawak.

"Chiyo, sobrang tagal na nating magkasama. Pagbigyan mo naman ako, mahal moko diba?!" aniya at lumapit sakin.

Mariin ang titig nito saakin. Sinusubukan ko siyang itulak at pinaghahampas ang dibdib nito ngunit walang epekto. Kung ikukumpara ang katawan niya saakin, isa lamang akong maliit na tuta. Napasigaw ako ng marahas niya hinawakan ang kamay ko at itinulak sa pader.

"R-reiji, nasasaktan a-ako! Bitawan m-mo ako, p-please.." humihikbi kong sabi.

Pero kahit anong salita ko, hindi siya tumitigil sa ginagawa niya. Marahas niyang hinalikan ang aking labi. Ang mga kamay niya ay humawak sa aking pisngi pababa sa aking dibdib.

"Anong ginagawa mo, R-reiji? Bakit mo ginagawa sakin 'to, h-hindi ka naman ganito d-dati." umiiling kong sabi at umiiyak.

He looked at me and smiled without humor.

"Alam kong gusto mo rin 'to, Chiyo, wag kana tumanggi! Sobrang tagal na natin, kahit kelan hindi ako humiling ng kahit ano. Ngayon lang kaya manahimik ka nalang at hayaan ako!" muli niya nanaman ako inatake ng halik at ang kamay niya na nasa katawan ko ay pinunit ang aking damit.

Sa sobrang takot ko sa ginagawa niya ay kumuha ako ng lakas ng loob at tinadyakan siya sa kanyang pribadong bahagi.

He groaned in pain. Naluwagan ang pagkakahawak niya sakin kaya kinuha ko ang pagkakataon na yon para tumakas.
.
.
.
Ever since that day, hindi na ako bumalik o nakipagkita sakanya. It took me months to get over it, sobrang tagal na namin magkasama pero hindi ko naisip na kaya niyang gawin yon saakin. I wanted to go away and rest. I wanted to hide and escape the pain I'm feeling so I decided to take the offer. I went to Germany and finished my studies.

I spent 2 years in Germany at kahit kailan hindi ako nagsisi na umalis ako. I was happy. Kahit papaano ay nawala ang sakit na nararamdaman ko. I felt better. Umuwi ako ng Pilipinas nang malaman kong ikakasal na ang aking kambal.

Nakangiti kong pinasok ang simbahan at tumabi kay Mommy. There, I saw him. He had a huge smile on his face while he looked at her.

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!" ani ng pari

"Congratulations, sis!" I exclaimed and hugged her.

"Thank you, Chiyo! I'm glad you could make it. Ito nga pala si Reiji. Reiji meet my sister, Chiyo." she smiled and gestured him.

I smiled weakly. "Nice to meet you, Reiji."

"The pleasure is mine, Chiyo." he stared at me coldly.

"Excuse us." ani Reiji at iginiya ang kapatid ko upang batiin ang ibang bisita.

Before I left Germany, I found out that they already had a relationship. Ayon ang dahilan kung bakit ayaw niyang malaman ng iba na may relasyon kami. Ayon ang dahilan kung bakit ayaw niyang ipakilala ko siya sa pamilya ko. He was dating her publicly while I was in the dark. Itinago niya ang relasyon namin para sakanya. I can't do anything about that. Ang tanging magagawa ko nalang ay maging masaya para sakanya, sakanila.

I smiled bitterly as I looked at them.

"I'm happy for you, Reiji."

MY ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon