Papa

3 0 0
                                    

PAPA

"Papa, kailan po kayo uuwi?" tanong ko sa aking ama habang nakatitig sa aking computer.

Magka-video call kami ngayon ng Papa ko na ngayon ay nasa Dubai nagta-trabaho.

"Hindi ako sigurado, Ara. I'll try to come home for your birthday, okay? Pangako ko 'yan." anito at ngumiti.

Malaki ang ngiti 'ko sa kanyang sinabi.

"Sige po, Papa. Maraming salamat po, ingat po kayo d'yan!" pagpapaalam ko sakanya at pinatay ang tawag.

Nakaramdam ako ng saya at excitement. Pagkatapos ng ilang taon ay makikita ko na muli si Papa.

Nahiga ako sa aking kama at pinikit ang mata bakas parin ang saya sa aking mukha.

Ako si Ara. Pitong taong gulang  palang ako at malapit na mag-walong taong gulang sa ika-20 ng pebrero..

Ika-14 palang ng pebrero ngayon, anim na araw pa bago si Papa bumalik at ang aking kaarawan. 4 years old ako noong huli naming pag-kikita ni Papa. Wala pa kaming larawan na mag-kasama kaya nais kong mag-karoon kami sa kaarawan 'ko.

"Ara, Matthew at Tricia. Ibaba niyo muna ang cellphones niyo at bumaba kay dito." rinig namin sabi ni Mama mula sa baba kaya agad kaming tumayo at bumaba.

Pagka-baba namin ay agad kaming nagsi-takbuhan nang makita ang mga tsokolate na nasa lamesa.

"Galing 'yan sa Papa niyo, mag-pasalamat kayo sakanya mamaya ha? Ito rin galing sakanya." anito at may nilabas na kahon mula sa kanyang likuran.

Binigay ni Mama 'yon saamin at agad kaming napasigaw sa tuwa nang makita ang laman. Tablet.

"Papa, thank you po sa mga binigay niyo!" masaya kong saad nang tumawag siya muli.

"You're welcome, Ara. Basta promise niyo saakin na mag-aaral kayo ng mabuti ha? Gift niyo na saakin ang makapagtapos kayo." aniya.

Masaya akong tumango at tinignan ang tablet na hawak ko. Sobrang saya ko dahil ngayon lang ako nagkaroon ng ganito. Sa sobrang sabik ko sa paglalaro, hindi ko namalayan na palubog na ang araw.

Mabilis na lumipas ang araw at limang na araw nalang bago ang kaarawan ko.

"Ara, tumatawag Papa mo, bumaba ka rito!" sigaw ni Mama sa kalagitnaan ng paglalaro 'ko.

Sumimangot ako nang natalo ako at nakaramdam ng inis.

"Mamaya na po!" sigaw ko at nag-patuloy sa paglalaro.

Gano'n ang naging pangyayari sa loob ng tatlong araw. Ngayon ay ika-18 na ng pebrero, dalawang araw nalang bago ang kaarawan ko.

Alas otso na ng gabi nang biglang tumawag si Papa. Nakaramdam ako ng tuwa dahil ilang araw ko na rin siyang hindi nakakausap. Kaming tatlo ng aking mga kapatid ay nasa sahig naglalaro habang sinagot ni Mama ang tawag ni Papa.

"Hello- sino po 'to?" bakas sa mukha ni Mama ang pagkalito.

"Opo, ako nga po ang asawa niya. Sino po sila?" tanong ni Mama sakanila.

Tinignan namin ng mga kapatid ko si Mama na nakikinig sa kabilang linya, luha ay lumalandas sa kanyang pisngi. Nang binaba niya ang telepono, tsaka siya humagulgol at umiyak ng malakas. Litong-lito kami sa nangyayari ngunit sinubukan muna namin siyang patahanin.

"Ma, ano pong nangyari?" tanong ko.

Tulala siya habang sinagot ako, "Inatake sa puso ang Papa niyo."

Bigla akong napatigil at parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit.

H-hindi....

Paano nangyari 'to? Noong nakaraang araw ay maayos pa naman siya. Bakit biglang nangyari 'to...

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko nang maalala ko, palagi siyang tumatawag saakin. Palagi niya kaming kinakamusta at iniisip. Hindi ko manlang naisip na mag-isa siya doon, na baka'y nalulungkot siyang wala kami pagtapos ay hindi ko manlang sinagot ang mga tawag niya. I was too preoccupied with my games that I didn't even give my Dad atleast 10 minutes and ask how he was doing. Ilang oras kaming naiyak dahil sa nangyari hanggang sa tuluyan na kaming nakatulog.

Naging busy ang lahat sa pag-aasikaso para sa libing ni Papa. Ngayong araw ay ang birthday ko ngunit hindi ko kayang maging masaya. Hindi ko magawang maging masaya dahil sa mga nangyari.

Tulala ako at sinabi sa aking isipan, "Simula ngayong araw, magsisikap ako. Kahit wala si Papa, magiging malakas ako at tutuparin ko ang pangako niya. Ang pangakong magtapos sa pag-aaral."
.
.
.
.
"Ilang taon na rin pala ang lumipas 'no? I miss you so much, Papa."

Lumipas ng 15 years at narito ako ngayon, sa harap ng puntod ng aking ama. Tulad ng kanyang hiling para saamin, tinapos ko ang aking pag-aaral at ganun rin ang mga kapatid ko. Lumuhod ako sa harap ng puntod niya at nilagay ang dala kong bulaklak.

"Thank you for everything you've done for us. Kahit kailan ay hindi mo kami pinabayaan dahil alam ko sa puso ko na, nandito kalang palagi. You can rest now, Lala. Thank you." ani ko kasabay ng pag-patak ng luha mula sa aking mata.

Lagi nating tandaan na pahalagahan ang mga magulang natin. Kahit na palagi nila tayong pinagsasabihan, pinapalo, sinisigawan o nasasaktan sa mga salita nila, always remember na para saatin ang ginagawa nilang iyon. Ang mga magulang natin ang una't huli nating uwian sa lahat ng bagay. Sila ang sandalan natin tuwing mayroon tayong problema. Sila ang nagsa-sakrapisyo para saatin kahit dugo at pawis na ang makikita mo sakanila. Our parents will do a lot of things for their children just to give them what they need. Enough food, support, money and education, lahat ng kailangan natin ibibigay nila. Instead of being on your phone all day, playing? Spend more time with your family. Sabi nga nila, family always comes first. You can play your games anytime but can't always spend time with your family. Cherish and love them before it's too late. Don't wait for the day where you'll regret everything like I did.

MY ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon