Zafina

8 1 0
                                    

Lol, so this next one is entitled Zafina. I posted this on my facebook account but they just laughed at it which kind of hurted me, and got me a little bit offended cause this was my first fairy tale story -,- This is one of the activity Australis WH asked us to do, a fairytale sotry uwu  : )
.
.
Sa isang malayo na gubat ay nakatira ang isang babaeng nangangalang Zafina. Ang babaeng ito ay tila walang kamuwang-muwang sa mundo at naninirahan lamang mag~isa. Isang araw ay naisipan ng babaeng mag-ikot ikot sa gubat. Nakarating siya sa isang lugar kung saan mayroong malalaking dahon ng saging. Namangha ang babae sa nakita at di namalayang may nabangga siyang isang lalaki. Nanlaki ang mata ng babae at nakaramdam ng takot samantalang ang lalaki naman ay tinignan ang babae, namamangha. Ngumiti ang lalaki sakanya at tumayo.

"Hi! Mukhang nawawala ka, halika't tulungan kitang tumayo" ani ng lalaki

Tinignan ni Zafina ang kamay ng lalaki, medyo nag-aalangan ngunit tinanggap din ito. Pagkatayo niya ay lumayo siya agad sa lalaki.

"S-sino ka?" natatakot na tanong nito

"Oh, silly me. I'm Prince Lukas from the Kingdom of Lavóuire. And you are?" he smiled at her

Nanlaki ang mata ng babae. "P-Prince?! Eh, ako ang prinsesa ng gubat na ito. Ako si Prinsesa Zafina. Ang mga hayop dito at ang mga halaman ay kaibigan ko." matapang na tugon ng babae

"Kaibigan? Ang mga hayop at halaman? Hahaha! Napaka-gandang biro naman niyan 'Prinsesa' Zafina, haha!" tumawa ang lalaki na parang wala ng bukas.

Agad namula at nagalit ang babae kaya hinawakan niya ang kamay nito at dinala siya sa isang malayong lugar. Nagulat ang lalaki sa inasta ng babae ngunit ang mas gumulo sakanya ay ang pagkakahawak ng babae sakanya.

"S-saan tayo pupunta?" pumikit ang lalaki sa pagka-utal nito.

"Ipapakita ko sayo na ang mga sinabi ko ay hindi biro!" saad nito

Nakarating sila sa isang tagong lugae kung saan may nakaharang na bato. Sumigaw si Zafina na parang isang hayop at bumukas ang mga bato. Hindi aakalain ng lalaki na pu-pwede iyon kaya namamangha niyang tinignan si Zafina. Sino nga ba itong babaeng 'to? Tinignan siya ni Zafina at nginitian.

Nagulat si Lukas sa pag-ngiti ng babae at sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng puso nito.

"Tara!" ani Zafina at hinila ulit ang lalaki.

Pagkapasok ng dalawa ay may mga iba't ibang klaseng hayop sa gilid at yumuko sa pag-pasok ng dalawa. Ang paligid nila ay sobrang linis. Ang mga puno't dahon ay malinis at sobrang ganda, ang tubig ay tila kumikinang na diyamante. Hindi makapaniwala si Lukas sa nakikita, para bang nananaginip siya at nasa isnag 'Fairy Tale'.

-----

"Pasensya kana, Zafina. Baka hinahanap na ako ng aking mga magulang." paalam ni Lukas pagtapos ng kanilang pagsasama.

Medyo nalungkot ang babae. "A-ah, ganon ba! Babalik kaba ulit?" tanong ni Zafina, nanlaki ang mata ni Lukas sa tanong nito

"N-ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kaibigan talaga na tao. Madalas kasi ay mag-isa ako at ang aking mga hayop lang na kaibigan ang natatanging kausap ko. Pero ayos lang kung bawal-" naputol ang sasabihin niya ng hinalikan siya ng lalaki.

"Hindi kita gustong maging kaibigan." tinignan siya ni Lukas, namumungay ang mata ni Zafina at nalungkot sa narinig.

"I want you as my wife." he whispered.

Nanlaki ang mata ng babae at tinulak siya palayo. "B-baliw!" namumula niyang sagot

Tumawa na lamang si Lukas at nagpaalam. Hindi natapos ang pagsasama ni Lukas at Zafina sa araw na iyon. Araw araw ay pupuntahan nila ang isa't isa, maguusap na parang wala ng bukas. Sa sarili nila ay alam nilang nahuhulog na sila sa isa't isa. Sa di inaasahan ay dumating ang araw na kinakatakutan nilang dalawa.

"Z-zafina!" pupuntahan sana siya ni Lukas ng pinigilan siya ng kanyang Ina.

"What are you doing with this ugly creature, Lukas?!" his mother yelled at him

Nakayuko lamang si Zafina habang ang kamay ay nakaposas at hawak hawak ng dalawang guwardiya.

"You are marrying Princess Aria for pete's sake! How could you do this to your--"

"I'm not marrying no one, Mama! I'm done and sick with all of this! Pagod na ako maging sunod sunuran sainyo!!"

"Lukas!!" sigaw ni Zafina

*BANG!*

Zafina.. Nanginginig ang lalaki at napaupo. Ang nanginginig niyang kamay hinawakan ng babaeng pinakamamahal niya, ang babaeng nagligtas sakanya.

"M-mahal kita, L-lukas." ani ng babae sa nahihirapang boses. Ang nagdudugo nitong kamay na nanggaling sa dibdib ay pinunasan ang luha ng lalaki.

"M-mahal din kita, Zafina." pumikit ito sa sakit na nararamdaman at dinama ang kamay nito.

Napaka-damot ng mundong ito. Kinuha ni Lukas ang baril na ginamit ng kanyang ama at binaril ang sarili. Magkikita rin tayo, Zafina, ang mahal kong prinsesa.

-------

"Huy, Lukas! Gising na!" binuksan ko ang mata ko at nakitang si Lily pala ito, ang girlfriend ko.

"Pasensya na, hindi ko namalayang nakatulog ako." kinusot ko ang mata ko.

"Ayos lang, tara na!" hinila niya ako papasok sa bahay nila, nakalimutan ko. Ipapakilala niya pala ako dapat sa magulang niya..

"This my mom and dad, and mu little sister Zafina!" ngiti niya

Nanlaki ang mata ko. Z-zafina?!

"Hi, Lukas." ngiti nito

-The End-

MY ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon