Inilibot ni Dash ang paningin sa Pamana Beach resort kung saan idaraos ang kasal niya. Halos lahat ng reporters ay naroon para masaksihan ang sinasabing “The most awaited Wedding of the Year”. Siya si Johan Dashryl Yu, na ikakasal sa isang Pinakamayamang pamilya sa Pilipinas na si Louise Andrei Yap.
Punong puno ang exclusive resort ng ibat ibang businessman at ilang sikat na tao. They were all anticipating not just the wedding but the merging of Yu and Yap Pharmaceutical industries.
Dapat nga ay matuwa siya dahil walang maipipintas kay Louise. Dahil sya ang pinapangarap ng lahat ng lalaki na mapangasawa. Maganda, sexy at matalino. Pero pakiramdam niya ay daig niya ang hahatulan ng parusang bitay.
“Pare, masyado ka yatang kinakabahan? Darating din ang bride mo. Chillax ka lang” sabi ng kanyang kaibigan na si Russell.
Umasim ang mukha niya. Gusto niyang sabihin n asana ay hindi na dumatng ang kanyang bride. But maybe he was just overanalyzing everything. Siguro nga ganun talaga ang nararamdaman ng ikakasal. Pero ng ilibot nya ang kanyang paningin ay lahat ay masaya pero para sa kanya may parte sa puso nya ang gusting umayaw.
Nagulat sya nang hawakan ng kanyang daddy ang kanyang balikat. “Relax anak Just focused”
“Hindi na ko bata dad” walang lingon na pagkasabi.
“Im warning you anak!! Kailangan natin ito.” Sabi ng kanyang dad at umalis na ito.
Tumunog na ang isang wedding song na ang title ay Ikaw. Ilang sandal pa ay lumabas na si Lousie. No doubt, she was the most beautifule bride to date. Ang gown nito ay ginawa ng isang sikat na designer mula sa Italy. Kung pagbabasehan sya na ang pinakamasuwerteng lalaki sa buong mundo pero bakit ganon ang kanyang nararamdaman.
Habang tinititigan nya si Louise na naglalakad sa gitna, iba ang nakikita niyang mukha. The image of a girl wearing a braces at ang buhok nitong medyo kulot. Parang may tumutusok na karayom sa kanyang puso. Parang may mali?? Mali talaga eh… May tumawag sa kanya. Nasa harapan na pala nya si Louise.
“Dash, Ok ka lang?” may halong pag aalala.
Napatingin sya sa paligid at napatingin din siya sa kamay ni Louise. Parang biglang may bumulong sa kanya.
“Mahal kita, Dash. Ako ang pakakasalan mo balang araw”
“Fvck!” mahina mura niya. Bakit ngayon ko pa naalala iyon? Kung kelan kasal niya.
“Dash? Whats wrong?” pag aalala ni Louise.
Hindi pa rin niya inaabot ang kamay nito. Ilang sandali ay tinitigan niya ang kamay ni Louise.
“Damn!! Ano bang nangyayari sa akin” sabi nito sa kanyang isip. Kukunin ko lang kamay nya at tapos na. ano bang problema sa akin?
“I-Im sorry Louise” paghingi nya ng tawad.
Hindi na nya inantay na makapagsalita si Louise. Siya na siguro ang pinakamasamang lalaki sa buong mundo. Tumakbo siya palabras ng resort. Matatawa siguro ang lahat kasi ang groom ang tumakas ngayon sa kasal.
“Kasalanan mo lahat ito Francesca Claudette Yu!!” Naiinis habang tumatakbo.