France POV
Katatapos ko lang kausapin si Ate Zarah. Nang biglang tumawag si daddy. “Hello dad? Di ko talaga alam ang nangyayari dad! I swear!! Ano? Wala kaming relasyon ni Dash! I told you dad wala na kong Feelings sa kanya. What? Im not marrying him!! No! Dad!! Saka na tayo mausap dad. Okay I love you.”
Pinatay ko na ang Cellphone ko at alam kong tatawag ang mga kaibigan nya kapag nalaman ito. At lumingon ito ako kay Dash na nakangiti habang nagdadrive.
“Anong nakakatawa?” alam kong namumula na ang mukha ko sa inis.
Lalong lumakas ang tawa ni Dash. “Bakit ka nagagalit sa akin? Ikaw itong mapilit. Kaya sisihin mo yang sarili mo.”
Lalo lang akong nainis kay Dash. Kaya humarap ako sa kanya at pinitik ko ang tenga nya kaya tumigil ito sa gilid at dahil don may pagkakataon akong sabunutan sya. “Argh!!! I hate you Dash!! I hate you so much!! Buwiset ka!!”
“Aray! Pwede ba France tama na? pag di mo binitawan hahalikan kita!” sabi nito na hawak ang kamay ko nan as buhok nya pa rin.
Bumitaw na ako at baka totohanin nya ang sinabi nito “Nagpakita kang muli sa akin sa loob ng sampung taon tapos guguluhin mo ang tahimik kong buhay.” Sabi ko na sobrang inis na inis.
“Bakit? Dahil ba to sa lalaking kadate mo kanina?” halatang nagseselos si Dash kay Ralph.
“Oo, dahil don! At ang akala nila e ikakasal na tayo.”
Nagdilim ang anyo ng mukha ni Dash. “bakit ganon din naman ang ginawa mo dati ah.”
Natigilan ako. Kaya tumingin na lang ako sa labas. Iba na ang sitwasyo nila noon at ngayon. dati mahal na mahal nya ito. Ngayon… hindi ko na alam. Bigla ay parang gusto ko na umiyak. Pero kailangan nyang tatagan. At sa sobrang tahimik binuhay ko ang stereo ng kotse ko. At malas talaga dahil Your Love ang Kanta. Buwiset naman talaga o.
“This song reminds me something. One night when I danced the prettiest girl I’ve ever seen in my entire life.” Nakangiting sabi ni Dash sa kanya.
Gusto kong matuwa sa sinabi nya pero hindi dapat. Kaya humarap muli ako sa kanya. “Yung gabing sinasabi mo ang pinakamapait na nangyari sa buhay ko.” Walng expression na sabi ko sa kanya.
Nagbago ang expression ng mukha nito nakikita ko sa mga mata nito ang lungkot, regret, di ko alam.
“Pwede bang bumaba ka na? ako na lang magdadrive pauwi?” Sabi ko kay Dash ng hindi nakatingin.
“No, I insist ihahatid na kita.”
“Pwede ba Dash pagod na ko. Lumabas ka na please ako na magdadrive magtaxi ka na lang.”
“ayoko ihahatid pa rin kita.”
“Please?” tumingin ako sa mukha nya. Mukhang nakumbinsi ko naman ito. Kaya bumaba na ito. At lumipat ako sa driver’s seat. Habang sa aking pagmamaneho ay biglang pumatak ang mga luha kong kanina pa gusto kumawala. Itinigil ko muna ito sa tabi. Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela at malaya kong pinakawalan ang mga luha ko.
2 weeks Later
Pagkatapos ng pangyayari sa amin ni Dash sa sasakyan. Hindi na muli ito nagpakita. Kaya ginugol ko na lang ang oras ko sa Photo gallery na bubuksan ko at ng sa ganun ay di ko sya maalala. Nagtanggal na din ako ng contact lens at salamin muna susuotin tutal naman wala akong kliente at wala din akong dalang kotse.
Nang macheck ko na lahat ng kakailananganin ko bukas may napansin akong lalaking nakatayo sa isa sa mga picture na kinunan ko sa Croatia. Dahil nga Malabo mata ko di koi to maaninag kaya kinuha ko ang salamin ko sa sling bag ko.
“Sir? Di pa po kayo allowed pumasok dito sa gallery.”
Umikot ito at ngumiti sa akin. Si Dash pala ito. Bakit nandito ito?
“Long time no see France. Sorry naging busy lang para mawala na lahat ng press.” Lumapit ito sa kanya. at may hawak itong bulaklak at inabot sa kanya. “for you, I think eto ang pangalawang beses na binigyan kita ng bulaklak.”
“Sana di ka na nag abala pa.” pagkasabi ko tumalikod na ko sa kanya. at alam ko na sumusunod ito sa akin. At maya maya ay inakbayan na sya ni Dash. Amoy na amoy ko ang panglalaking pabango nito.
“Ipagluto mo ulit ako France kahit puro mamantika ihain mo sa akin basta luto mo.”
“Hindi ko dala ang kotse ko. Magtataxi lang ako beside sa Condo ako uuwi dahil marami pa kong tatapusin.” Paliwanag ko kay Dash. Sabay tanggal ko ng
“Tamang tama dala ko kotse ko san ba ang condo unit mo?” sabi nito na akbay pa rin sya.
“Dash Please itigil mo na to?”
“Kahit ngayon lang France pagbigyan mo na ko kahit ngayon lang.”
Naiinis na ko sa kakulitan ni Dash “Bakit mo ba ginagawa ito Dash? Idinadamay mo ko sa problema mo. Wala ka ba talagang pakialam sa nararamaman ko?”
“You don’t want this?”
Natigilan ako. Bat di ko kayang sabihin na “oo” pati ba naman ang nararamdaman ko pinagkakaluno na ko.
“I want you back, France”
Nagulat ako sa sinabi ni Dash. Nabibingi na dn ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. “A-anong sabi mo?”
Seryosong seryoso si Dash na nakatingin sa kanya. mukhang bumaligtad na ang sitwasyon nila ngayon.
“You win, remember? You told me na ako naman ang hahabol sayo, nagkakatotoo nay un ngayon. I want you back. Kahit ano gagawin ko para mahalin mo ko ulit.” Sabi ni Dash sa kanya
Hahawakan sana ang kamay ko pero iniwas ko. Maalala ko pa lang yung past masakit na sa akin.
“Hindi na ko yung tulad ng dati na pwede diktahan Dash.”
“I know kaya nga sana hayaan mong makita mo na sincere ako sayo.” At ngumiti ito sa kanya. “Kaya please ipagluto mo ulit ako” nagpacute si Dash sa kanya.
Alam kong di ito titigil sa pangungulit kaya pumayag na akong ipagluto sya. “Ok Fine!! Ngayon lang.”
“Yehey! Thank you!”