France POV
One month Later
One month na kaming magkarelasyon ni Dash. Kahit na minsan ay lagi kaming busy gumagawa pa rin kami ng way para mag kita. Minsan sa bahay naming ng ate ko minsan sa naman sa condo unit ni Dash. Nalaman na din ni ate yung relasyon namin una nagalit ito pero sabi nga nya wala na daw syang magagawa at desisyon ko naman daw iyon.
Inihahatid din ako ni Dash sa Gallery tuwing morning. Habang namimili ako ng mga piece na bibilhin sa gallery tumawag si Dash sa kanya.
“Yes Babe?”
“Dine out tayo babe. Mamaya after work?”
“Sure! I love that!”
“Sige mamaya na lang dami paperworks eh ha. I love you Babe.”
“I Love You too.” Sabi ko kay Dash. Sana palagi na lang ganito ang relasyon namin.
Biglang nagring yung intercom at may tumawag daw ayaw sabihin kung sino. Kaya sinagot ko ang kabilang linya.
“Hello? This is Francesca Yu. Who’s this?”
“Kung di ka busy gusto sana kita makausap? Kung okay lang”
“A-ah. Sino po sila?”
“Hindi na mahalaga yon basta sa Figaro sa makati, mamayang 7pm”
Masasalita pa sana ako pero binaba na nya ang linya. Di ko alam pero bigla akong kinabahan.
Dash POV
Katatapos ko lang tumawag kay France at ngayon nasa Bulacan ako para bumili ng magandang singsing. Magpopropose na ako sa kanya. Pagkapili ko ng singsing nagpareserve ako ng dinner sa may Pasay. Tinawagan ko muli si France.
“Babe, di kita masusundo hu punta ka na lang text ko sayo yung address. May emergency lang.”
“Sige babe. May kakausapin din akong tao, then after deretso na ko. Ingat ka I love you.”
“Thanks. I love you too.”
8:30 pm na dumating si France. Pero parang wala ito sa mood. Kanina pa tahimik.
“Babe? Are you alright? Masama ba pakiramdam mo? Kanina ka pa kasi Tahimik.”
Tumingin ito sa akin. Huminga ng malalim. “Itigil na natin to. Ayoko na.” Biglang pumatak ang mga luha ni France.
Parang piniga ang puso ko sa sinabi nya. ”B-bakit? Ano kasalanan ko? May di kaba nagustuhan sa ginawa ko? Tell me! Di ako papayag na makipaghiwalay sa akin.” Bigla na lang tuulo ang luha ko. Tumayo ako at pumunta sa harapan nya at hinawakan ko balikat nya. “Bakit? Tell me what’s wrong?”
Biglang tinabig ni France ang mga kamay ko. “Just because. Ayoko na. narealize kong di na pala talaga kita mahal. Im so sorry Dash it’s over.”
“No! hindi ako naniniwala sayo France! Alam kong may dahilan kung bakit ka ganyan! P-please France wag mong gawin to. I almost had you. I want you! I love you France! Mahal na mahal kita. Wag mo ko iwan. Hindi ko kaya. S-sabihin mo lang sa akin gagawin ko lahat para sayo w-wag mo lang ako iwan France.”
“Ang gawin mo… K-kayanin mong wala ako. Bye Dash. Im so sorry.” Sabi nito sa kanya at tumalikod saka naglakad palayo sa kanya.
France POV
Bigla na lang tumulo ang luha ko. Sobrang sikip ng dibdib ko, yung feeling na tinutusok ng libo ling karayom ang puso ko. Mas masakit pala to kesa sa noon, dahil mas minahal ko ng buo si Dash. Labag man sa loob ko ang pakikipaghiwalay kay Dash pero kailangan. Ayokong makaperwisyo ng iba. Dapat lang talaga ako yung nagsakripyo. Tama France Tama lang ang ginawa mo.