Dash POV
Two weeks na akong nagmamakaawa kay Kring at Micca kung asan si France. Two week na rin akong alalay ng dalawa.
Pagpunta ko sa HO nila nakita kong nagkalat na naman silang dalawa. Pagod na pagod na ko sa pinag gagawa nila sa akin. Instant all around helper sa bahay ng dalawa. Naging carwash boy din ako ng dalawa. Ang Malala pa 6 ang sasakyan ni Kring.
“Tapos ka na ba sa pinagagawa ko sayo? Naihatid mo ba ng maayos yung deliveries?” mataray na sabi Micca.
“MICCA! Hindi ka man lang ba maaawa sa akin”
“Dapat kasi yung mga lalaking manloloko pinapatay na e” sabi ni Micca.
Manloloko? Ako? Paano nangyari yun? Hindi ko maintidihan. Humarap ako kay Kring.
“K-Kristine. A-ano sinasabi ng kaibigan mo? Ako manloloko?” nakatingin lang sa akin si Kristine.
“Oo manloloko ka. Niloko mo kaibigan namin, buti nga binigyan ka pa nya ng chance tapos ano ginawa mo? Niloko mo kaibigan namin may sabit ka na pala!” galit na galit na sabi ni Micca, sabay batok sa akin.
“A-aray! T-teka! Anung may sabit ako? Hindi ko kayo maintindihan.”
“Nagmamaang maangan ka pa! baka gusto mong dagdagan ko pang ang batok ko sayo?” babatukan pa sana ako ni Micca pero nakaiwas ako.
“K-Kristine di ko maintindihan.”
Huminga muna ng malalim si Kristine. “Buntis si Louise ikaw ang ama.”
“What? Paano nangyari yon?”
“Malamang nagsex kayo! Alangan naman na buntisin ni Louise yung sarili nya. Sira ulo!” gigil na gigil na sabi ni Micca sabay tadyak sa akin.
“A-aray naman! Kung di ka lang kaibigan ni France papatulan na kita!” Sabay bumaling ako kay Kristine. “Kris, hindi mangyayari yon dah---”
“Dash, pano mo nasabi? Malaki na ang tyan ni Louise. Nag usap sila ni France at kitang kita ng dalawa nyang mata na maumbok na ang tyan nito. ” sabi ni Kristine ng mahinahon.
“What nag usap sila? Damn that brat girl! Hindi ako ang ama ng dinadala ni Louise.”
Ikinuweto ko lahat lahat ang buong katotohanan sa magkaibigan.
France POV
Sarap tignan ng tanawin kahit mejo malamig sa tabing dagat. 2 linggo na rin akong nandito sa Jeju Island.
“Pwedeng tumabi?”
Bigla akong kinabahan. Dahil kilala ko kung sino ang nagsasalita.
“paano mo nalamang nandito ako?”
“Sa kanila.” Sabay turo sa di kalayuan. Si Kristine at Micca at kumaway pa talaga ang dalawa.
“Bat nandi to ka?”
“Para puntahan ka.”
“bakit pa?”
“kasi mahal na mahal kita.”
“Pwede ba Dash! Magkakaanak ka na. ayokong makakasira ng pamilya.”
“wala ka na namang sisiraing pamilya e.”
Tumayo na ko at wala rin namang patutunguhan ang pag uusap na ito. Pero pinigilan ako ni Dash at tumayo na rin ito.
“Pwede bang pakinggan mo naman ako. Hindi yung puro iiwas ka na lang.”
Ngayon ko lang nakita si Dash na desperado na.
“Mahal kita France. At hindi kita niloloko. ” sabi nito sa kanya. “Tumingin ka sa akin France. I love you, France. I love you then and I love still. Hindi ko na kakayanin pang mawala ka pa.”
“Paano si Louise?”
“Hindi ko anak ang ipinagbubuntis nya. Paniwalaan mo naman ako France.”
“Paano ako maniniwala sayo?”
“I know, Because I haven’t kissed her.” Biglang humina ang boses nya.
Di ko alam kung matatawa ba ako sa sinasabi nya. “What do you mean you havn’t kissed her? He was your Fiancee.”
“I know, pero never ko pa talaga sya nahahalikan. Kahit yung mga nakakadate ko dati, hindi na nauulit yun.”
Bigla akong napatawa kay Dash dahil namumula na ito.
“Pagtawanan ba naman ako. Bigla ito ng lumuhod sa harapan nya. “France, hindi man ito yung pinapangarap mong proposal pero, simula ng halikan mo ko, ayoko nang matikman ang halik ng iba. Ikaw lang ang nagbigay sa akin ng kakaibang epekto pati yata kaluluwa ko na naapektuhan na. kaya France Will you marry me?”
Tumulo na naman ang luha ko pero hindi sa sakit kundi sa umaaapaw na kaligayahan. “Y-yes Dashryl. I want to be your Mrs. Johan Dashryl Yu”
Pagkasuot sa akin ng singsing tumayo ito at naglapat ang aming labi.
“I love you France.”
“And I love you too.”
May sumigaw sa di kalayuan nung pagtingin ko si Kring ulit at Micca.
“oy lovebird tama na yan! Gutom na kai aba!” Sabi ni Micca.
Sabay lang kaming napatawa ni Dash. Inakbayan nya ko at lumakad na papunta kela Kristine at Micca.