-NEW FRIEND?-
NAKAUPO na ako nang sabihin ng prof na isa-isa kaming tumatayo para magpakilala sa harap, eto yung pinakagusto ko dahil maririnig na nila ang pangalan ko hihi.
Magkatabi kami ni Von, bigla namang nahulog ang Earphones nya kaya naman inabot ko ito.
"Ah Von, sa iyo ata 'to" dahan dahan kong iniabot ang Earphones.
Agad niyang hinablot at tumingin pa ng masama sa akin.
Ako na nga yung nagmagandang loob dito tapos ako pa yung nasungitan. ATTITUDE ka.
Natapos na ang mga nasa harapan at dito na ang sunod sa likuran, tumayo naman kaagad ang kaibigan ata nung Von ba yun.
"Hi everyone, I'm Gabby Rein Joelo. Call me Gab" sinabi nya yun sabay kindat sa mga babaeng kinikilig.
Gwapo naman sya, tapos mukhang mayaman. Tama lang ang kaputian nya at mayroon siyang appeal kaya siguro ganun nalang ang kilig sakanya, ang kaso ay mukhang playboy. Yung galawan naman niya ay parang si Kim Jongin ng EXO ,Yung favorite boyband ko. Maharot eh.
"Hi! I'm Caleb Seven Villaflor" at agad namang umupo.
Eto naman cute siya at ang cool niyang tignan. Simple lang at mukhang matalino ah. Mayaman din siguro 'to dahil kitang kita ang kaputian nya at ang ganda ng mata niya, plus alam kong mabait siya. Yung kulay naman ng buhok niya ay platinum blonde, parang puti pero hindi. Matangkad din gaya ni Gab.
Parang familiar yung name nya ah, pero hindi ko matandaan kung kailan ko narinig yun. Ay bahala na.
Napatingin naman ako kay Iza na parang mapapaihi na sa kilig.
"Hoy Izabele anong nangyari sayo?"
"Fauz, siya yun!!! Yung ultimate crush ko!!!" kilig na kilig niyang sambit.
"Hala weh? OMG Iza kaya pala familiar sya!"
'Ehem, Ehem'
Napatahimik kami nang biglang may tumikhim galing sa harapan. Ay! Si Mr. Antipatiko na pala.
"I'm Jason Vaughn Borromeo, it's Vaughn not Von" diin nyang sinabi at nakatingin pa ang loko sa akin.
Eto naman ay GWAPO as in. Mayaman to for sure, naka Mercedes Benz pa kanina eh. Mayroon siyang mapupungay na mata at kissable lips......hays ano ba tong nasa isip ko!!! Basta ang pula ng labi niya. Matangkad, maganda ang katawan na parang araw-araw sa gym. Sa tuwing titignan mo siya talagang kikiligin ka kaso ANTIPATIKO.
Nabigla naman ako nang pitikin ni Iza ang noo ko
"Hoy babae! Ikaw na. Tama na ang pagpapantasya" agad akong napatayo dahil sa pagkabigla at May halong tuwa dahil ako na.
Habang papalapit sa harap ay bigla namang nagsalita si Vaughn.
"Don't stare too much, Loureene" he teased.
Hindi na ako nakasagot dahil nga magpapakilala pa ako.
"Hi. I'm Loureene Faustina Philips. Call me Fauz and Lori if we're close." agad akong umupo dahil nawalan na ako ng gana sa pagbanggit ni Vaughn ng first name ko.
Yes. Hindi ako sanay na tawagin akong ganoon, lalo na kapag hindi ko naman super close. Sinabihan ko na si Iza na tawagin akong Fauz dahil baka maraming gumaya sakanya na itawag sa akin ang first name ko. May trauma kasi ako doon.
I hate being called Loureene, lalo na kung lalaki ang nagsabi. Pero okay naman ang Lori.
Nagpakilala na si Iza pero di parin ako mapakali sa narinig kong itinawag sa akin Vaughn, I just hate my first name!
BINABASA MO ANG
TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)
RomanceShe was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficulties and met him. That man assisted her in her search for her father, making things much easier. They became friends, and then lovers. Thei...