KABANATA 47

165 17 1
                                    

3 months later...

Lumipas ang ilang buwan, ganoon pa rin ang ayos namin. Ako at si Vaughn ay mas naging magkasundo sa lahat ng bagay, ganun din si Iza at Caleb. Sina Gab at Alja naman, nagkakamabutihan na pero ayaw lang magkaaminan. Si Mama at Papa naman naghahanda na para sa kasal.

Sa susunod na Linggo na rin kasi, mabuti nalang at wala nang gaanong ginagawa sa kumpanya ni Kuya dahil ngayon isa siya sa mga nag-oorganisa dito sa kasalang magaganap.

"Hello?" sinagot ko ang tawag ni Vaughn, hindi pa kasi kami nagkikita simula noong isang Linggo.

"Magpapaalam lang sana ako"

"Ano yun?"

"Sinasama ako nina Mom and Dad sa isang event nila sa company. Para na rin daw makilala ko yung ibang business partners" mahabang sabi niya.

"Sumama ka. Hindi mo naman kailangan pang magpaalam kasi sina Tita naman pala ang nag-aya"

Hindi ako striktong nobya, as long as wala siyang maling ginagawa.

"Gusto ko lang naman na malaman mo"

"Yeah, thank you for informing me"

"Baka kasi nandoon si Eunice eh. Alam mo naman na isa sila sa limang bigating kasosyo namin" he said.

"Ah edi kasama si Papa? Pati rin si Kuya?" kasi simula nang magkakilala kami, naging kasosyo na nila si kuya dahil malaki rin ang kumpanya nito.

Sa totoo nga lang mayroon din siyang mamanahin sa US dahil nandoon ang lahat na pinaghirapan ni Tito Ben, para sa kanya.

"Yeah, sama ka kaya?"

"Wala pang nabanggit si Papa. Pero baka hindi na rin ako makapunta dahil abala kaming lahat dito"

"Bukas na iyon"

Naalala ko na hindi ko pa pala balak na nagpakilalang anak ni Papa.

"Alam mo rin naman na ayaw ko munang ipagkalat na anak ako nang may-ari ng University"

"Ah oo. Kasi lalaban ka pala for Ms. MU"

"Anong gagawin ba? Party lang?"

"Opo. Kasi tumaas na naman ang rating sa Resort"

Paano hindi tataas ang rating eh ang ganda nang modelo nila. Chos!

"Anak, sukat mo na ito" dumating na pala ang long dress ko.

"Si Tita ba yun?"

"Yes, late na lang. Bye honey"

"Yes, I love you"

"I love you more"

Binaba kona. Balak na rin nga nila akong bilhan na nang gown para sa pageant namin.

Kaso sabi ko, sa susunod nalang dahil sa susunod pang buwan iyon. Pagkatapos nga nitong kasal pupunta sina Mama at Papa sa SoKor para doon...alam niyo na.

Sinasama nila ako, kaso iiwan ko ba yung mga kaibigan ko dito? Kaya huwag nalang. Ayoko nang maging LDR kahit na ilang buwan lang. Siyempre ako'y natatakot na sa maaring mangyari.

Habang sinusukat ko, may nagtakip nang mga mata ko.

"Honey?" naamoy ko ang pabango niya, pati na rin ang kamay niya.

"Yeah, alam ko naman na malalaman mo na ako dahil ako lang inisip mo"

"Yie, bakit ka nandito?" naramdaman ko ang bisig niya. Kaya kumapit na ako doon.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon