KABANATA 19

336 52 12
                                    

-ALL NEW?-

NGAYONG araw naming balak mag-take nang video para sa Social Experiment. Mamayang hapon rin ay uuwi na kami.

"Lori, ang bagal mo" reklamo ni Alja.

Inaamin ko naman na mabagal ako. Kaya mas binilisan ko ang pag-aayos nang buhok. Mahaba kasi ito kaya medyo hirap sa pagsuklay.

"Mag pants ka! Bakit ka nakashorts?" eto na nanaman si Kuya.

"Kuya! Nasa beach tayo kaya need kong magsuot ng short. Kung sanang nasa labas lang ih" pagpapaliwanag ko.

"Oo sige, pero dapat pagkatapos ninyo dyan ay magsuot na kayo nang pants. Hindi namin kayo masasamahan dahil ayaw naman ninyo"

"Kaya na namin ito, Kuya."Iza said.

"Dalian na ninyo, para mamaya ay mapasalamatan natin ang magulang ni Vaughn"nanlaki ang mga mata ko.

Sana hindi ako pakilala ni Vaughn, hindi pa ako ready. Gusto kaya nila ako para sa anak nila? Sorry assuming.

"Nandito sila?" I curiously asked.

"Hindi ko alam kung pupunta, pero baka daw"

"Okay sige, Kuya"

Umalis na kami sa room, hindi ko alam kay Iza kung anong balak nila sa buhay.

"Kanina pa tayo naglalakad, kailan ba tayo magsisimula?" reklamo ko.

"Maghintay ka kasi! Naghahanap pa akong maraming tao" irita na siya oh.

"Ano ba ang gagawin ko?" tanong ni Alja.

"Kaya may dala akong bag dito, may mga laman ito. Tapos hindi mo alam na nakabukas pala, habang naglalakad ka nahuhulog na ang mga gamit mo" Iza explained"Let's see, kung sino ang tutulong. Lalaki ba or babae"

Si Alexine pala ang una naming kukunan. Sana naman may tumulong na sa kanya, ayokong magtagal dito sa init.

"Doon tayo sa may Kubo, makikita naman natin si Alja doon" tinuro ko ang liblib na kubo sa bandang likod ni Alja.

"Kaya mo yan! Maganda ka naman kaya tutulungan ka nila"biro ni Iza, pero totoo naman

"Kuhanan ninyo ah! Sana may gwapong tumulong, malay niyo magka-lovelife pa ako" tumawa kaming tatlo.

"Siraulo! Dalian na natin"

Pumwesto na kami. Maraming tao ang dinadaanan mo Alja, may mga babaeng walang paki, ang ibang lalaki naman ay nakatuon na ang pansin kay Alja.

Nagsimula nang nahulog ang mga gamit niya, ang iba ay tinatawag siya, pero sabi namim ay huwag siyang haharap sa mga iyon. Dapat tulungan siyang magpulot or something.

Hindi nagtagal, may isang lalaki na naglalakad. Nakita niya ang mga gamit ni Alja na nahuhulog. Pinulot niya ang lahat na iyon bago kalbitin si Alja.

"Nakuhanan mo?" tanong sa akin ni Iza.

"Oo! Tara na. Mukhang gwapo yung lalaki"

"Gago!"hinampas ako "May Vaughn kana, remember?"

"Tara na! Kausap na ni Alja oh. Interview na"anyaya ko hindi ko na pinansin yung sinabi niya.

Lumapit kami sa gawi nila. Humarap sila sa banda namin, hinihintay na makalapit kami.

"Girls, he's Kentver Bri Borromeo"

Nakipag-shake hands kami ni Iza sa kanya. Totong gwapo pala talaga siya, akala ko sa malayuan lang pero mas gwapo siya sa malapitan.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon