KABANATA 31

271 37 2
                                    

-HAPPY BIRTHDAY-

KINABUKASAN

Naikwento ko na kahapon kay Mama ang nangyari simula sa una hanggang sa pulubing natulungan namin. Hinahanap niya kasi ang tupperware.

"Ma, kapag may free time isasama kita doon. Sobrang tagal naming hinanap yun" alam na din niya ang hirap naming tatlo sa paghahanap.

"Sige. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta doon, simula nang napanganak ka"

"Doon sa litrato, Ma. Parang wala pang masyadong tao"

"Oo, dahil tambayan lang kasi noon iyan. Ngayon kasi ay may mga nag-ayos diyan kaya mas gumanda"

Kaya naman pala, nagdagdag rin sila nang puno doon. Sa litrato hindi naman ganoon karami at kaunti. Tama lang. Kumpara ngayon, mas dumami pero bagay lang naman sa lugar.

"Sikat nga raw yung park na iyon, lalo na sa tuwing gabi" nakita lang namin sa internet, kahit sa litrato lang maganda na. Paano pa kaya kung sa mismong mata mo makikita.

Mama amused "Minsan subukan natin pumunta kapag gabi"

"Sure, Mama!"

Wala si kuya ngayon, he's clearing all of his schedules for tonight. Pupunta pa kasi kami sa party ni Vaughn.

Nang magtanghali na, pumunta na sina Iza at Alja dito sa bahay, aayusan pa raw nila ako dahil kaarawan ito ng pinakamamahal ko. Para silang tanga sa part na iyon. Hindi ko pa naman ganoon kamahal si Vaughn, hindi pa nga ata.

"May napansin ba kayo kay Crystal?" biglaang tanong ni Alja.

"Lately, hindi na siya sumasama sa atin sa tuwing kakain tayo ng lunch. Tapos si Kristine naman sinasabing busy lang raw si Crystal" nagtatakang dagdag niya.

Napansin ko rin iyon. Sa tuwing lalapitan namin siya agad siyang umaalis or sasabihing pupunta lang siya sa comfort room.

"Hindi kaya iniiwasan niya tayo? Or ako?"

Nalukot ang mukha ni Iza. "Bakit ka naman niya iiwasan? Eh tayong tatlo ang hindi niya pinapansin"

"Dahil nililigawan ako ni Vaughn?"

Napaisip rin sila sa sinabi ko, wala akong nakikitang ibang dahilan kung hindi lang iyon.

"Sinabi ni Alja na may gusto siya kay Vaughn noon pa"

"Sa totoo lang napansin kona nung sa chat palang eh" napalingon kami kay Alja.

"How?"

"Nung binanggit ni Kristine yung panliligaw sa'yoni Vaughn tapos agad na siyang nagpaalam sa atin, samantalang nakikipagkwentuhan pa siya bago iyon"

"Oo nga ano? Hindi naman siya ganun 'diba?" nag-aalalang tanong ko.

"Hindi. Ano kaya kung kausapin natin siya?" suhestiyon ni Iza

"Ako na ang kakausap" I volunteered.

"Nasa party siya for sure! Business partners ang magulang niya at magulang ni Vaughn"

"Lori, tayong dalawa ang kakausap! Mahirap na baka anong gawin sa iyo" kinabahan tuloy ako sa sinabi niya.

"Iza" suway sa kanya ni Alja.

"I have a bad feeling for Crystal. Napansin ko kasing iba na ang tingin niya kay Lori sa tuwing nasa klase tayo"

"Grabe ka naman, nakakatakot yun ah"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon