KABANATA 8

393 71 12
                                    


-AWKWARD DAY-

Saturday.

Nagising ako nang maaga dahil 10:00 ang pagkikita namin sa Eightynine Cafe dito sa Naga.

Magpapaalam na sana ako kay Mama para umalis na dahil alam naman niya na may lakad ako today. Pupuntahan kona sana siya sa kwarto niya nang may kumatok.

Baka si Iza. Sabay kaming pupunta sa Eightynine Cafe eh dahil pareho naming hindi alam iyon, baguhan lang kami rito.

Binuksan ko ang pinto ngunit wala nanaman akong nakitang tao roon kaya naman agad nagbaba ang tingin ko.

Boom! Sabi ko na nga ba, mayroon nanamang iniwan dito sa front door namin. But this time is apat na paper bag ito.

Kinuha ko kaagad saka pinuntahan si Mama.

Pumasok na ako sa silid nya. "Ma, may pinadala nanaman po. Bubuksan ko ba?" tugon ko habang sinisilip ang mga laman nito.

"Oo sige anak. Halika dito, may ipapakita ako."

Tumingin ako sa relo ko, 8:40 palang naman kaya lumapit na ako kay Mama.

"Ito ang mga litrato namin nang Papa mo noong hayskul pa lamang kami. Hindi pa uso ang selpon noon at mga mamahaling kamera."

Tinignan ko kung ano ang pinagkaabalahan ni Mama.

Napako ang tingin ko sa litratong iyon, na para bang pamilyar ito sa akin.

"Nakuha mo ang husay sa pagkanta sa kanya. Madalas niya akong hinaharana noon" malawak ang ngiti ni Mama, tila ba'y gusto niya itong maranasan muli.

"Ma, pwede po bang ibigay nyo sa akin ang picture nyo ni Papa. Para madali ko siyang mahanap"

"Oo naman, Anak! Basta ipangako mo sa akin na iingatan mo ito...." dahan dahan-dahang iniabot ni Mama ito.

"Saka anak. Marami ka pa namang oras para hanapin si Papa mo. Mag-focus ka na muna sa pag-aaral mo sa ngayon."

"Ikaw ba, Ma? Marami ka pa bang oras?" emosyonal kong tugon

"Anak. Huwag kang magalala. Okay pa naman ako e, isipin mo muna ang sarili mo",

Niyakap ko si Mama. Hindi ko kayang nakikita siyang ganitong kalungkot, ni minsan ay hindi niya ako hinayaang maging malungkot.

"Ma, hahanapin ko po si Papa. Para makasama mo na sya, makasama na natin sya"

"Napakabuti mo, Lori Anak. Nagmana ka talaga sa akin at sa Papa mo"

Nang mahimasmasan ako ay tumayo na para magpaalam kay Mama.

"Ma, una na po ako. Mamaya ko na bubuksan ang mga ito" itinaas ko ang apat na paper bag na hawak ko pa din.

"Mag-iingat ka anak. Bumalik ka bago sumapit ang alas kwatro.", pagpapaalala nya.

Humalik na ako sa pisngi nya. Umalis na akong tuluyan, pumunta muna ako sa kapitbahay kong si Iza.

Tinawagan ko sya.

"He...hello?" mahinang sagot niya.

"Hoy Izabele! Nandito ako sa labas. Papasukin Moko" pag-uutos ko. Binaba ko na ang tawag.

Bumukas naman kaagad ang pintuan. Tumambad sa akin si Iza na nakapantulog pa. KAHIT kailan talaga batugan to!

"Bwiset! Iza naman 10:00 yung meeting diba?"

Napahinto siyang saglit. Tinignan ang wall clock nila pagkatapos nun ay tumakbo na siya sa CR.

9:36 na.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon