KABANATA 16

323 54 13
                                    

-FAMILY BOND-

Nagising akong nakayakap sa akin si Mama. Wala si Kuya. Ang himbing nang tulog ni Mama, mukhang napagod siyang husto sa trabaho niya na binigay ni Kuya.

"Ma.." bahagya ko siyang tinapik.

"Lori, gising kana pala. Wala si Kuya mo inasikaso yung trabaho niyang naiwan kahapon"

"Anong oras siya umalis, Ma?"

"Kaninang alas kwatro ng madaling araw"

Alas diyes na pala.

"Ma, buti po katabi ko kayo?"

"Nagbaga ka nanaman kasi sa init, nananaginip ka nanaman nang masama kaya niyakap kita"

Ganyan si Mama. Sa tuwing nananaginip akong masama, niyayakap niya lang ako tulad nang ginagawa ni Kuya. Minsan pa nga napupuyat sila dahil sa akin. I'm blessed to have them.

"Thank you, Ma! I love you"

Dinala na naman ako nang emosyon ko, hindi ko alam kung bakit sa bawat araw na lumipas na hindi ko nakakausap si Mama, feeling ko kulang ang araw ko. Sa bawat ginawa niya, agad kong in-express yung nararamdaman ko.

Alam kong nabigla si Mama doon.

"Anak naman, mahal din kita"

Pumunta kami sa sa dining table para kumain na.

"Hindi ka ba papasok, Ma?"

Alas singko palang kasi wala na siya dito sa bahay. Mabuti ay hindi pa siya umaalis.

"Hindi, Anak" ngiting tugon ni Mama.

"Bakit, Ma? Dahil ba may sakit ako? Okay na ako" hindi ko gustong ako ang dahilan kung bakit pa siya umabsent sa trabaho, bago pa lang siya sa company ni Kuya.

"Anak, hindi naman sa ganun. May balak daw gawin ang kuya mo ngayong araw, kaya hihintayin natin siya hanggang makabalik ito"

"Babalik si Kuya? Yey!" gustong-gusto ko talagang kasama namin si kuya. Feel ko kompleto na ang pamilya ko sa pamamagitan nun.

"Kaya dapat mag-ayos kana baka dumating na yun" tumango ako kay Mama.

"Anak, ano pala ang gagawin mo sa dress doon sa loob nang kwarto mo? Mukhang mahal iyon. Anong pera ang ginamit mong pambili?"

Hindi ko pa pala nasabi kay Mama ang tungkol doon.

"Si Vaughn ang nagbigay. Isuot ko raw sa birthday niya" hindi ako tumingin kay Mama. Alam ko namang aasarin niya ako.

"Nanliligaw ba sa iyo yun?"

"Ma! Hindi po. Magkaibigan lang kami" pagsuway ko sakanya.

"Boto ako sa kanya, anak"

"Ma naman!"

"Mag-ayos kana" tumatawa niya akong tinignan.

Umalis na ako sa dining area para maligo sana.

"Anak, huwag kang maliligo. Maghilamos ka lang ah"

"Yes Ma'am"

Naghilamos lang ako. Magsuot lang ako nang twisted front croptop pair it with high-waisted black shorts saka ako nagsuot nang leather sandals.

Nadatnan ko si Kuya Herron na kumakain sa sala. Marahil ay hindi pa siya naglunch.

"Lori! Magaling kana ba?" salubong sa akin ni Kuya.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon