-Maari pa ba?-
Umuwi akong basa ang pisngi, grabe ang pawis ko sa mukha.
"Saan ka ba nanggaling?" kahit na nandito na ako nakita kong kabadong-kabado pa rin si Amchard.
"Bumili lang ng kape tapos tumambay sa parke" malamig kong sabi.
Pinagmasdan niya lang ako, hindi kasi ako tumitingin sa kaniya habang sumasagot.
"Bakit kailangan mo pang pumunta doon? Ang dilim na oh" sabi niya ulit na medyo galit na.
Huminga ako ng malalim. "I'm sleepy, Goodnight" tinapik ko ang balikat niya.
Pumasok na ako kahit na naiwan ko siya doon sa labas, sigurado akong marami pa siyang tanong pero wala lang talaga akong ganang magkwento ngayon.
Siguro natutulog na si Mama kaya wala siya rito sa sala. Umakyat na ako para maligo tapos matutulog na.
Ngunit nung makapasok na ako sa kwarto nakita kong nakahiga si Mama sa kama ko.
"Ma? Nandito na po ako" hinintay na naman niya ako.
Kumurap kurap siya, "Anak"
"Opo, wala pa ba si Papa?"
"Pauwi na siya" si Kuya ang nagsalita.
Lagot ako nito.. Ang sama ng tingin sa akin ni Kuya.
"Mama, tara? Punta kana sa kwarto mo, mag-uusap kasi ni Lori" inalalyan ni Kuya si Mama na tumayo hanggang sa kwarto niya.
Naghilamos muna ako. Ano naman kaya pag-uusapan namin ni Kuya?
Pagkatapos ko doon, nakaupo si kuya sa study table ko tinitignan ang mga librong nakalatag doon. Puro pa naman tungkol sa pag-ibig, like kung paano makapag-move-on..
"Saan ka galing?" alam pala niyang nandito na ko sa likuran niya.
"Sa bar lang kuya, nagyaya si Iza eh kasi may problema" kabado kong sabi.
Minsan lang kami mag-usap ng ganito ni Kuya kaya kabahan kana. It's either mayroon kang ginawang mali o may kailangan talaga kayong pag-usapan. Pero ngayon pakiramdam ko mayroon akong nagawang mali..
"Bakit nauna umuwi si Amchard ba yun? Yung 2 years boybestfriend mo"
Simula nung sinaktan ako ni Vaughn, hindi na muling nagtiwala si Kuya sa mga kaibigan kong lalaki.
"Hinatid niya si Iza tapos sinundan niya si Caldy kung nakauwi ng maayos"
"Ayos naman pala, eh bakit hindi ka agad umuwi?" humarap na siya sa akin. Napakasungit talaga niya! Aish!
"Kasi nga bumili pa akong kape tapos gusto kong inumin kaya bumaba ako sa parke diyan" hindi naman kasi kalayuan ang parke dito.
Tumango siya. "Bakit ka umiiyak?" sa tanong niyang ito, doon ako napatahimik.
Kung kanina tuloy-tuloy lang ang pagpapaliwanag ko, ngayon parang gusto ko nalang na matulog.
"Kuya, inaantok na ako" umiwas ako ng tingin.
Umupo akong sapo-sapo ang aking noo. Hindi ko alam kung bakit ko na naman ito nararamdaman, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Nakausap mo ba siya?" malumanay niyang tanong.
"Ha?"
"Siya na naman ba ang gumugulo ng puso't isipan mo?" tanong niya ulit, pero ngayon mas naging malinaw na sa akin.
BINABASA MO ANG
TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)
RomanceShe was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficulties and met him. That man assisted her in her search for her father, making things much easier. They became friends, and then lovers. Thei...