KABANATA 59

117 17 0
                                    

-Waiting for you, my friend-

Two years later....

Mabilis akong naghanda nang susuotin ko para hindi mahuli sa trabaho.

Nagsimula palang ang ber months last week kaya lalong lumamig dito. Kailangan ko nang makapal na jacket.

Tinuloy ko ang kurso ko dito sa US kaya pagkatapos kong mag-aral ay nagkaroon ako kaagad nang magandang trabaho.

Citizen na naman ako dito kaya hindi na mahirap para sa akin ang makahanap lalo na't sa kumpanya ako ni Tito Ben. Mataas ang posisyon na binigay niya sa akin gusto niya na CEO daw ako para ako muna ang sa lugar ni Kuya pero hindi na ako pumayag.

Titignan ko pa kung dito na talaga ako titira o babalik pa sa Pilipinas para sa mga pamana ni Papa.

"Manong, paki handa na po ang sasakyan"

Lumabas kaagad si Manong nang sabihin ko iyon. Sabi kasi ni Mommy/Lola na huwag akong umalis mag-isa dapat kasama ko ang driver ko.

Dahil ayaw kong nakikitang nag-aalala sila, pumayag na ako sa gusto nila.

"Ms. Lori, anong oras ang out niyo mamaya?"

"I'm not yet sure. But I will tell my secretary to tell you what time it is"

"Okay Ma'am"

Bago palang si Manong Fidel sa akin, mga nasa 40's palang naman ang edad niya.

"Goodmorning Ms. Davis" pagbati sa akin nang isang lalaki.

Oo, napalitan na ang apelyido ko. Ang galing hindi ba?

Eto na ang pangalan ko ngayon.
"Loureene Faustina P. Davis"

Isang taon na akong nagtatrabaho dito kaya naman kilala na ako nang lahat, sa totoo nga lang kahit baguhan palang ako mabuti na ang pakikitungo nila sa akin.

Pumasok ako sa opisina ko, kasabay naman si Manong Fidel dahil tinulungan niya akong buhatin ang mga papel na tinapos ko kagabi sa bahay.

"Ma'am, Amchard wants to talk to you" sambit ni Grace na nakasilip sa pintuan ko.

Tumango naman ako.

"Good morning, Misis ko" asar nito sa akin.

Maraming nagtangkang manligaw sa akin dito sa opisina pero sinasabi ko na mayroon na akong jowa. Si Amchard iyon.

"Ano na naman?"

Amchard Wilson is a friend from college. Same course kami kaya siya ang naging kaibigan ko, lalo na hindi ako mahilig makipag-usap sa mga babae at lalaki. Siya lang talaga ang mapilit.

Sinasabi nang mga tao na bagay na bagay raw kami, at bakit hindi pa raw ako ligawan ni Amchard.

Kung alam lang nila na ilang beses na niya akong niligawan at ilang beses ko na ring sinabi na hindi ako handa sa mga ganoon. Kaya napili nalang niya na manatili kami sa pagiging magkaibigan.

Tumunog ang telepono ko.

"Ma'am, may bisita po kayo" sambit nang aking sekretarya.

"Who's is it?"

Umupo muna si Amchard sa couch ko.

"She's your friend, she said"

"Ask her if I have an appointment with her"

"Wala, pakisabi nga na dalian na niya bago ko siya sabunutan"  hindi ito boses nang sekretarya ko, impossible!

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon