KABANATA 1

52 34 0
                                    

[Chapter 1]

Huni ng mga ibo'y musika sa aking pandinig habang ito'y sinasabayan ko ng paghimig. Hindi ko mapigil na mapangiti habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin. Ako'y paikot-ikot at tila ba sinasabayan ang bawat hampas ng hangin.

Sinuri ko ang aking kasuotan na kulay puting bestido. Ito'y mayroong burdang malililiit na puting rosas at akmang-akma sa kulay at hubog ng aking katawan.

Ang kasiyahang aking nararamdaman ay hindi matumbasan ng anumang bagay. Kami'y kumpletong pamilya na magtutungo sa simbahan at muli kong masisilayan ang mga nakamamangha nitong disenyo.

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng aming bayan ang pista ng Santo Niño. Mayroong iba't ibang kaganapan at bawat tahanan ay mayroong handaan. Ilang araw na lang din ang natitira at ang aking kaarawan ay sasapit na. Sana'y pagbigyan ako ni Ama at Ina sa aking kahilingan.

Ilang sandali ko pang pinagmasdan ang aking sarili hanggang sa pumasok ang isang babae. Siya si Cordellia Hale Mercado, ang aking ina. Isang kulay amarilyong bestido ang suot ni ina na siyang nagpadagdag sa kaniyang kagandahan. Ang kaniyang buhok ay maingat na iniayos at nilagyan ng pinong bulaklak.

Si ina ay may lahing Hapones kung kaya't ang gandang kaniyang tinataglay ay hindi maikukubli. Ang kaniyang mga mata'y  kulay-kastanyo at ang kaniyang balat ay tila niyebe.

Sumilay ang ngiti sa labi ni ina at ang kaniyang biloy ay aking nakita. May mga katangian si ina na ninanais kong sana'y aking namana ngunit ang tadhana'y hindi nakikiayon.

Ang aking balat ay kayumanggi at ang mga mata'y kulay itim. Karamihan sa katangiang aking tinataglay ay namana ko sa aking ama na isang purong Pilipino.

"Nakikita kong ang aming munting prisesa'y sabik na sabik" wika ni ina habang sinimulang suklayin ang abot baywang kong buhok na sa dulo'y may kunting kulot.

"Ina, ako'y hindi na bata. Labimpitong taong gulang na po ako't isa ng dalaga" nakangusong wika ko habang pinagmamasdan si ina sa salamin.

Siya'y natigil sa pagsusuklay at ako'y iniharap sa kaniya.

"Sino ang may sabing ganap ka ng dalaga? Ako'y hindi sumasang-ayon sa iyong sinasabi. Ika'y nag-iiisa naming prinsesa at habang buhay na magiging munting prinsesa" wika ni ina sabay halik sa aking pisngi.

Ipinagpatuloy ni ina ang pagsuklay sa aking buhok at tinalian ng isang puting laso.

Nangibabaw ang katahimikan habang si ina ay abala parin sa pag-aayos ng aking buhok.

"Kailan po ba ako magiging malaya ina?" Nag-aalinlangan kong tanong.

Dahilan sa biglaan kong katanungan ay napaurong si ina at dahan-dahang umupo sa aking kama. Nabalot ng katahimikan ang aking silid at parehong pinakiramdaman ang kilos ng bawat isa.

"Nasasakal ka na ba Estrelya? Kami ba'y masyado nang mahigpit saiyu?" Walang kabuhay-buhay na tanong saakin ni ina.

Nakaramdam ako ng kalungkutan dahilan sa kaniyang sinabi. Ako'y nagsisisi at nais na sampalin ang sarili dahilan sa walang preno kong pagtanong kay ina.

"Paumanhin ina sa aking tinuran" nakayukong paghingi ko ng tawad at hindi mapigilang paglandas ng aking mga luha.

Narinig ko ang papalapit na yabag ni ina at naramdaman ang mainit niyang yakap habang hinahagod ang aking likuran upang ako'y tumahan. Ako'y tila isang paslit na inaalo ng kaniyang magulang upang tumigil sa pag-iyak.

"Paumanhin Estrelya kong ika'y aming ikinukubli sa apat na sulok ng silid na ito. Sana'y iyong lubos na nauunawaan na ang lahat ng ito'y para sa iyong kaligtasan."

Isang daang Estrelya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon