EPILOGO

33 34 0
                                    

[Epilogue]

Binibining sa simbaha'y nasumpungan, hinihiling ko na muling masilayan. Kaniyang pangala'y nais na malaman at siya'y hagkan ng pagmamahal.

Sa pangalawang pagkakatao'y muling nasilayan ang kaniyang ganda at talaga nga namang nakakamangha. Sa libo-libong tao dito sa mundo, mga mata'y sa iisang binibini lamang dumapo.

Pamamasyal sa baya'y napagpasyahan at hindi ko inaasahang isang binibini sa daa'y tila batang nagpapapadyak at natumba. Mabilis na nilapita't mga kama'y hinawakan. Kaniyang mukha'y nababalot ng balabal ngunit kaniyang ganda'y akin pa ring nasisilayan. Ipinagkaloob ng tadhanang siya'y muling makita at ako'y hindi na magdadalawang isip na siya'y punuin ng pagmamahal ng simponya.

Kamay ng orasa'y patuloy sa pag-ikot habang kaming dalawa ng aking sinisinta'y bumubuo ng mga alaalang sa dulo ng buhay ay babaunin. Patago man ang aming pagmamahalan, ngunit ang sa ami'y namamagitan ay makatotohanan.

Sa malawak na karagatang ito'y natapos ang aming istorya. Ang bituin ng aking buha'y sa langit na lamang makikita. Bangkang sinasakya'y patuloy sa pagbaybay ng karagatan habang ang walang buhay na katawan ng aking minamahal ay yakap-yakap. Mga luha'y wala pa ring tigil sa pagpatak at ang pawis ay tumatagaktak.

Kaniyang iginuhit na mga larawa'y umabot ng isang daan kahit sa maikling panahon lamang. Nag-iisang Estrelya na sa aking buha'y lumikha ng isang daang ningning.

Palasong hinugot sa kaniyang dibdib ay itinarak sa pusong pumipintig. Ako'y handang sundan sa dulo ng kamatayan ang aking minamahal.

Sa ilalim ng maliwanag na buwan at nagkikislapang bitui'y natapos ang ating pagmamahalan. Malawak na karagata'y saksi sa ating masaklap na kapalaran. Ilang libo o isang daan man ang mga bituin sa kalangitan, ang nag-iisang buwa'y tanging si Estrelya lamang ang hahagkan. Ako si Bulan na siyang kanlungan ni Estrelyang minamahal.

Lilipas ang siglo't may pagmamahalang muling mabubuo. Ang lapis ng pasmadong tadhana'y muling ikakampay upang pag-iibigan ni araw at buwa'y isalaysay.

~serenadety

Isang daang Estrelya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon