[Synopsis]
Madilim at tanging sinag ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa isang silid. Humihimig ng payapa ang isang binibining nakadungaw sa bintana.
Pinagmamasdan ang nagkikislapang bituin sa kalangitan na siyang pinagmulan ng kaniyang pangalan. Estrelya, ang pangalang ibinigay ng kaniyang ama at ina. Sa tuwing pinagmamasdan ni Estrelya ang mga bituin ay may halong saya at lungkot ang kaniyang nararamdaman.
Siya'y nagagalak dahilan sa napakaganda at kakaiba niyang pangalan. Kalungkutan naman dahilan sa katotohanang siya'y tila isang bituin sa kalangitan na walang kakayahang bumaba at makisalamuha sa karamihan. Nasa itaas lamang at ang tanging kakayaha'y magmasid. Magmasid sa mga binibini't ginoong nabubuhay ng normal.
Sa labimpitong taon niya dito sa mundo ay bahay-pagamutan pa lamang ang kaniyang napuntahan maliban sa kanilang tahanan. Tila isang ibon na nakakulong sa hawla't hindi malaya.
Dumating ang labing-walong kaarawan ni Estrelya at ang tangi niyang hiling ay ang mabuhay ng normal. Ang makapag-aral sa tunay na paaralan at magkaroon ng mga kaibigan.
Siya'y nakalabas sa hawla't naging malaya. Nasumpungan ang mundong ilang taong hindi niya nakita. Ang pag-aakalang masumpungan lamang ang mundo'y higit pa pala ang kaniyang matatamo.
Natagpuan ang buwang kasama ng mga bituin sa madilim na kalangitan. Ang ginoong magsisilbing buwan na hahagkan si Estrelya't pupunuin ng pagmamahal.
Magsisimulang kumampay ang lapis upang iguhit ang tadhana ng bituin at buwan. Ngunit hanggang saan ang kayang iguhit ng lapis kung sa simula pa lamang ay batid ng ito'y may hangganan.
Mapupuno nga ba ng simponya ng pag-iibigan ang kalangitan o kadiliman dahilan sa masaklap na kapalaran?
~serenadety
BINABASA MO ANG
Isang daang Estrelya [COMPLETED]
Historia CortaDalawang linya'y pagtatagpuin, damdami'y susubukin. Lapis ay kakampay, pupunuin ng buhay at kulay. Pag-iibigan ng buwan at bitui'y iguguhit at magniningning sa madilim na langit. Ngunit hanggang saan ang kayang iguhit ng pasmadong kapalaran? Mapupun...