KABANATA 11

30 35 0
                                    

[Chapter 11]

Kamay ng orasa'y nakatutok sa numerong siyam. Ang mga lampara'y wala ng siga't ang lahat ay mahimbing nang natutulog. Malamig na ihip ng hangi'y hindi nagpapanggap at mga diyamante sa kalangita'y kumikislap.

"Ako'y nangagala'y na binibining Estrelya. Kung maaari'y iyo sanang bilisan ang pagguhit." Pagmamaktol ni Ginoong Bulan na sa kaniyang terasa'y nakadungaw.

Siya'y aking iginuguhit habang hawak ang kaniyang byolin. Ngunit ang ginoong ito'y walang pagtatiyaga.

"Maghintay ka Ginoong Bulan. Ito'y iyong idea kung kaya't magtiis ka't manatili sa iyong pagkakatayo!" Utos ko na kaniya namang sinimangutan.

"Huwag mo na lamang tapusin ang iyong iginiguhit. Ako'y nasasabik nang tawirin ang ating pagitan at ika'y hagkan" pagsusumamo nito.

"Umayos ka Ginoong Bulan! Iilang linya na lamang ay akin na itong matatapos" mga mata'y nanatiling nakatuon sa papel na aking pinagguguhitan.

"Ang aking silid ay mapupuno na ng aking mga larawang iyong ipininta. Hindi pa ba sapat ang iyong mga iginuhit? Nais mo bang magtayo ako ng museo't mukha ko'y itanghal?" Nakangusong tanong nito na siyang tinawanan ko lamang. Ang ginoong ito'y napakapilyo.

"Bakit hindi mi rey (aking prinsipe). Gumawa ka ng pangalan sa larangan ng medisina't ipagbigay alam sa buong mundo ang iyong kakisigan."

Ngiting pilyo'y sumupil sa kaniyang mga labi dahilan sa mga salitang aking binitawan na sa kaniya'y nagpapahambog.

"Tama nga ang aking hinala. Ika'y tunay na nabihag ng aking katangian" buong pagmamalaking wika nito.

Pagtawa na lamang ang itinugon ko sa kaniyang kahambogan.

Katahimika'y muling nangibabaw at ako'y patuloy lamang sa pagkampay ng lapis habang ang mga mata'y sumusulyap sa mukha ng isang ginoo na sa aki'y nakabihag.

"Hindi ba nalalaman ng iyong ama ang ating ginagawa?" Kamay ay hindi natuloy sa paggawa ng linya dahilan sa kaniyang katanungan.

Ilang linggo na ang lumipas at laging ganito ang senaryong madaratnan sa aming terasa . Sa tuwing ang kamay ng orasa'y tumutungtong sa siyam ay siyang itinakdang oras upang ang pagmamahalan naming dalawa'y maganap. Tanging sa gabi malayang naipadarama ang pagsinta sa isa't isa dahilan ito lamang ang pagkakataong sa ami'y walang makakakita.

"Sa oras na malaman ni ama ang lahat ay siguradong terasa ko'y kaniyang ipagigiba."
Pagbibiro ko upang ang kabang nararamdama'y humupa.

"Sa bintana'y kaya po pa ring tumawid, anuman ang maging hadlang sa sati'y kaya kong tawirin. Maging bagyo't malakas na hampa's ng alo'y kaya kong languyin." pagmamalaking mungkahi nito.

Siya'y tinawanan na lamang at sa papel ay isinulat ang aking pangalang sa dulo'y may hugis ng bituin.

"Tapos na aking Bulan." Malaki ang ngiting wika ko sa kaniya.

"Kung gayo'y tatawirin ko ng muli ang ating pagitan" nagmamadaling ibinaba ang kaniyang byolin at sa barandilya ng terasa'y umakyat.

"Huwag ka ng mag-abala ginoo. Kinakailangang ako'y maagang matulog dahil ang aking maestra'y maagang magtutungo dito sa aming tahanan."

Ako'y pumasok na ng aking silid dala ang mga kagamitang pangguhit.

Ito'y ipinatong sa talahanayan at ang mahabang buhok ay inilugay.

Gamit ang aking salamin ay naaninag ko ang silweta ni Ginoong Bulan. Ang tigas ng ulo't ayaw akong pakinggan.

Matitipunong braso'y pumalibot sa aking katawan at mula sa likurang ako'y hinagkan.

"Ako'y hindi makakatulog ng mahimbing Binibining Estrelya. Hayaan mong ika'y aking yakapin kahit panandalian lamang." Pikit-matang wika nito habang ang buhok ko'y pinaglalarua't inaamoy.

Palihim man ang pag-iibigang sa ami'y namamagitan ay handa naman ako sa anumang kahihinatnan. Batid kong hindi nanaisin ni ama ang malamang ako na kaniyang unica iha ay lumabag sa kaniyang alintuntunin. Nais ko lang naman ang maging malaya't sa piling ni Ginoong Bula'y nakamtan ko ang kalayaang inaasam.

* * *

"Estrelya, ako'y may dalang iba't ibang aklat. May iilang tungkol sa kasaysayan at sa sining. Nais kong madagdagan ang iyong kaalaman kung kaya't sana'y paglaanan mo ng oras upang basahin" wika ni Ate Tanya na siyang kadarating lamang sa aking silid.

Ang ikot ng orasa'y naging normal at tahimik naming natapos ni Ate Tanya ang dalawang aralin. Si Ate Tanya'y isa ng ganap na guro nitong nakaraang buwan lamang. Siya'y mabilis na nakahanap ng trabaho kung kayat malimit na lamang kung siya'y magtungo. Sa tuwing ako'y kaniyang dinadalaw ay mayroong tatlo o limang makakapal na aklat siyang dinadala upang sa aki'y ipabasa't pagkuhanan ng aming aralin.

Ang aralin namin ngayong araw ay natapos at si Ate Tanya'y naghahanda na upang lisanin ang aking silid.

Habang siya'y tinutulungan sa kaniyang mga kagamita'y isang batong nababalot ng papel ang sa terasa ko'y dumating.

Mga paa'y nagmamadaling magtungo sa terasa ngunit ako'y pinigilan ng mga kama'y ni Ate Tanya. Siya'y napailing at tila ba sinasabing mas mabuting siya ang tumingin.

Labag man sa kalooban ko'y hinayaan ko na lamang siya sa kaniyang nais. Kaliwang kama'y dinampot ang batong nababalot ng papel at unti-unting binuksan. Ito'y naglalaman ng isang liham, ngunit sino ang maglalakas loob upang batuhin ang aking terasa upang maiparating lamang ang isang sulat?

Dahan-dahan kong tinawid ang pagitan namin ni Ate Tanya at binasa ang sulat. Kaniyang mga matang namamasa'y dumapo sa akin. Ano ang nilalaman ng papel upang mga luha'y dumaloy?

"Para kay Estrelyang nagniningning, paumanhin at hanggang dito na lamang ang aking kayang gawin. Isang ginoong sayo'y may lihim na pagtingin, batid na ang pag-iibigan ninyong lihim. Paninibugho'y tuluyang umusbong at ang dugo ng pamliya Mercado'y dadanak. Sa pagkagat ng dilim, apo'y magsisimulang sumindi't kakalat. Lisanin mo ang inyong tahanan upang inyong angka'y manatiling buhay. Si Ginoong Bula'y naghihintay, harapin ninyo ang pagsubok na itong puno ng pagmamahal at paninindigan. Hanggang sa dulo ng buhay,  pagmamahala'y iparamdam."

Mga luha'y walang tigil sa pagdalo'y. Inaasahan ko ang kaparusahang maaari naming kaharapin, ngunit ang malamang dugo ng pamilya ko'y daranak ay hindi ko kakakayanin. Mamaya'y magsisimula ang lahat. Kinakailangang ako'y maghanda upang lisanin na itong aming tahanan.

"Anong ibig ipabatid ng liham na ito Estrelya?Sino ang nais na tapusin ang ating pamilya?" Naluluhang tanong ni Ate Tanya.

"Hindi ko alam, ako'y labis ng naguguluhan" hagulhol kong wika.

"Si Senior Fedil, siya'y may lihim sa iyong pagtingin. Sabihin mo Estrelya, sino ang iyong sinisinta?" Wika nito na saaking dibdib ay labis na nagpakabog.

"Ang puso ko'y buwan lamang ang nagmamay-ari. Tuluyan ko nang ibinigay ang puso ko kay Ginoong Bulan at wala na akong balak na ito'y bawiin pa. Kailangan ko ang iyong tulong Ate Tanya. Tulungan mo akong lisanin ang ating lupain. Hindi ko maaatim na kayo'y mapahamak nina ama at ina dahil lamang sa akin."

Mga luha'y wala ng tigil sa pagdaloy. Hanggang dito na nga ang lahat, hanggang dito na lang.

~serenadety

Isang daang Estrelya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon