KABANATA 12

32 35 0
                                    

[Chapter 12]

Lulan ng kalesa'y narating namin ang dalampasigan. Si Ginoong Bula'y naghihintay at ang mga kagamitan sa bangka'y handa na. Sa tulong ni Ate Tanya'y naisagawa ko ang aking plano, ang planong lisanin ang lugar na aking kinagisnan.

Mga luha'y namimintana sa mga mata habang mainit na niyapos ang isa't isa. Pagyayakapa'y tila ba walang hanggang at mga kama'y hindi na nais pang bumitaw.

Bago sumapit ang dapit-hapon ay kinakailangang ang bangkang aming sasakya'y nararapat na binabaybay na ang asul na karagatan. Ang tanging paraan upang maiwasan ang pagdanak ng dugo'y tahakin ang malawak na karagatan na sa dulo'y hindi alam ang kahihinatnan.

"Mi amore, labis ang aking pasasalamat sa Sto.Niño dahilan ika'y kaniyang ginabayang makarating ng ligtas. Ating lalakbayin ang karagatan at punuin ng simponya ang kalangitan." Wika ni Ginoong Bulan habang ang aking pisngi'y ikinulong sa malambot niyang palad.

Dalawang mukha'y unti-unting naglalapit at ang labing tuyo'y hinagkan ng labing pagkatamis-tamis. Mga mata'y ipinikit at ang pintig ng puso'y binibilang at ang bawat hininga'y pinagsasaluhan.

"Te quiero Señora Estrelya." Kaniyang sambit sa gitna ng nakakalasing niyang halik.

Yabag ng mga kabayo'y umagaw ng aming pansin. Mga labing magkadikit ay nagkahiwalay, kaba'y unti-unting namumuo dahilan sa pagyanig ng kalupaan.

Nagmamadaling inihakbang ang mga paa at sa bangka'y sumakay. Oras ay hindi napansin at dapit-hapo'y tuliyan ng dumating. Mga mata'y muling namasa ng makita ang mga ginoong lulan ng kabayo't may dalang baril at pana.

Bangkang sinasakya'y hindi pa tuluyang nakalalayo habang ang mga panang nagmumula sa dalampasiga'y nagmistulang ulan na sa ami'y nakatadhanang tumama.

Ginoong Bula'y walang tigil sa pagsagwan habang ang buong karagata'y nabalot na ng kadiliman. Kalahating buwan sa itaas ay nagbigay liwanag at ang mga bitui'y kumikislap.

"Ginoong Bulan! Ika'y mag-ingat sa mga panang sa ati'y pinauulan!" Hagulhol kong paalala sa aking minamahal.

"Huwag ako ang iyong alalahanin aking sinta. Handa akong masaktan at masugatan, basta para sa iyong kaligtasan" ngiting tugon nito.

Sa kasalukuyang sitwasyo'y nais ko siyang pagalitan. Ang lakas ng kaniyang loob na ngumiti habang kami'y nasa pagitan ng buhay at kamatayan.

Bagaman kinakabaha'y pinilit ang sariling tumayo't nilapitan ang aking minamahal. Siya'y hinagkan at binigyan ng halik na puno ng pagmamahal. Sa ilalim ng maliwanag na buwa'y sa iyo lamang iaalay ang aking puso. Saksi ang buwan at mga bituin sa kalangitan sa ating tunay na pagmamahalan.

Matapos man ang gabing itong may bahid ng dugo at sakit, ikaw at ikaw lamang na nanaising makapiling at makita sa muling paggising.

Isang matalim na bagay ang naramdaman kong tumama sa aking  dibdib. Sakit na nadarama'y unti-unting nanunuot hanggang ang mga luha'y tuluyang pumatak. Paningi'y nanlalabo at paghinga'y kinakapos.

"Estrelya!" Ang tinig na aking narinig na nagmumula sa aking sinisinta.

Maliwanag na kalangita'y napagmamasdan at ang mga bitui'y binibilang. Naramdaman ko ang pagyakap ni Ginoong Bulan at ang kaniyang hikbi'y tila patalim na sa aking puso'y tumutusok.

"Lumaban ka mahal. Pakiusap ako'y huwag mong iwan!" Hagulhol nitong wika habang ang aking pisngi'y pinupugpog ng halik.

Mga kama'y pilit na inabot ang kaniyang pisngi at may ngiti sa mga labing siya'y pinagmasdan. Ako'y kaniyang inihiga sa kaniyang kandungan at dugong sa dibdib na nagmumula'y pilit na piniligilan. Isang palaso ang diretsong tumama sa aking dibdib at nagpapahina sa pagpintig.

Hindi ko inaasahang ang ginoong minsan ko ng pinagkatiwalaa'y siya palang tatapos ng aking buhay. Oh Ginoong Fidel, ang pagkitil sa aking buha'y pagtataksil sa ating pagkakaibigan.

Mata'y unti-unting nagpupungay hanggang sa labi ng aking minamahal ang tanging naramdaman. Kamay ng orasa'y tumigil sa pag-ikot, pintig ng puso'y tuluyang naputol. Huling hininga'y pinakawalan at ang tanging narinig ay ang sigaw ng aking minamahal.

"ESTRELYA!"

Pangala'y umalingawngaw sa malawak na karagatan habang ang mga diyamante sa kalangita'y unti-unting natatabunan ng kulay-itim na mga ulap.

Ula'y unti-unting pumapatak hanggang sa ito'y bumuhos. Dalawang nilalang sa gitna ng karagatan, tanging isang puso na lamang ang nabubuhay. Lapis ay narating ang hangganan at kailan ma'y hindi na matatasahan.

~isangdaangestrelya

Isang daang Estrelya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon