Chapter 12: I'm Still Into Her

235 4 0
                                    

(Harvey's POV) 

After Jonas walked away, he never come back. He's better in that game, running away and hiding his felings inside, waiting for it to explode.

Kahit kelan hindi ko talaga masikmura na patawarin sya, I gave Celine to him after we broke up but he just hurt Celine also.

I'm thinking about, how Celine's hurt at that time? I admit that I also hurt her, but I have my valid reason. I trusted Celine to Jonas, I did it because I know that he will protect her, which is I couldn't.

Alam kong hindi ko sya kayang ipaglaban nung mga panahong yun kaya bago ako lumayo, sinigurado ko munang may makakapitan sya pag wala na ako sa tabi nya.

Napatigil ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa science hall, dito ako unang kinausap ni Celine, dito ako palaging sumusilip para lang masilayan sya. 

Aminado naman ako na kahit date pa tarantado na ako, kaya mas lalong hindi ko sya magawang lapitan dahil nahihiya ako.

Gustung-gusto kong magpakilala sa kanya pero obvious naman na kilala nya na ako, pero gusto ko sa magandang paraan. I'm fame in this campus because of my looks, but aside from it, kilala din akong basagulero o di kaya ay tarantado. Ito yung mga dahilan kung bakit hindi ko sya magawang kausapin.

>>>> FLASHBACK<<<<

2 pm na, nagmamadali akong bumaba para pumunta sa science hall, panigurado andun na sya. Wala akong pake kung sinuman ang mabangga ko, basta kailangan ko na syang makita.

Nang makababa ako, naririnig ko na ang boses ni Celine sa loob ng science hall kaya sumilip ako sa pinto na nakaawang para makita sya. 

Nagle-lecture na naman sya ng mga words of God, haysss . . . Kahit saang anggulo ko talaga tignan hindi kame bagay.

"Hello sir, do you wanna join us?"

She looks at my direction kaya nagulat ako, tumingin pa ako sa likod ko para lang makasigurado kung ako nga yung kinakausap nya.

"Haha! It's you, come on, join us"

For the first time she talked to me. Pumasok naman ako sa loob gaya ng sabe nya kaso habang pumapasok ako, hindi rin maiwasang pagbulungan ako ng mga tao sa loob

"Dito na naman sya manggugulo"

"Pate ba naman sa religious group? Wala talagang patawad si Harvey"

Dahil sa mga naririnig ko huminto ako sa paglalakad at tumalikod, hindi ako welcome dito. Ayaw saken ng mga tao kaya mas minabute kong umalis na lang, papaalis na sana ako nang ...

"Where are you going? I know you want to listen. Guys wag naman tayong manghusga ng ibang tao, kaya nga tayo nag-aaral ng salita ng Diyos diba? Everybody is welcome here, bigyan naman naten sya ng chance"

For the very first time in my life may nagtanggol saken ng ganyan, maski parents ko hindi ako nagawang ipagtanggol ng ganyan sa harap ng maraming tao

I face Celine at nginitian nya ako, pinaupo nya ako sa harap at pinagpatuloy ang lecture nya. 

ILY Sir; A Student and Professor Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon