Chapter 14: Helmet

154 3 3
                                    

(Maureen's POV)

Alam nyo ba yung awkward? Palagi kong nararanasan yun eh -____- imaginin nyo na lang kase, natetempt ako sa hawak ni sir na napkin ko at kinokonsensya nya pa ako. Alam nyo ba yung feeling na parang winawagayway nya yun sa harap ko at nang-aakit na ewan? Tapos parang sinasabi pa ng mga tingin niya na

"sige na, kunin mo na"

shit talaga! Kung hindi lang sira yung vendo machine eh, tsk! Ugh, wait. . . sira nga ba talaga yung vendo machine o naisahan lang talaga ako ni sir? O.O 

Tanga ka Maureen! Tanga ka talaga! Paano nga naman makikita ni sir yung vendo machine eh nasa loob ng ladies comfort room yun? Kahit mapadaan pa siya imposibleng makita niya yun, unless pumasok siya sa loob.

"AAAAHHH!!! ANG BOBO KO!"

Pinagtatadyakan ko yung pintuan ng cubicle habang nakaupo ako sa bowl dahil sa sobrang inis ko

"ANG TANGA KO TALAGAAAAA!!!"

Sigaw ko habang tinatadyakan ko parin yung pinto, andun na eh, ok na, nakalusot na nga eh. At the end, inamin ko pa, edi mas lalo akong napahiya. Pang-ilang beses mo na to Maureen! Ano ka ba naman?

"NAPAKATUSO MO SIR JONAS!"

*tok. . . tok. . .tok*

Napatigil ako bigla sa pagtadyak sa pinto nang biglang may kumatok ng malakas sa pinto, hindi nga ata katok yun eh. Mas malakas pa sa pagtadyak ko yung kantok niya

"PUNYETA, HINDI IKAW ANG NAGBABAYAD NG PINTO!"

Sigaw nung babaeng nasa labas ng cubicle na sa tingin ko ay janitress namin. Kung kanina ay ang ingay ingay ko dito dahil sa mga sigaw at tadyak ko, ngayon ay parang may dumaang anghel dahil wala kang maririnig na kahit ano saken.

Pinalipas ko muna ang 5 minutes pagkatapos kong magpalit ng pamproteksyon ko, alam nyo na. Pagkabukas na pagkabukas ko naman ng pinto ay nakita ko ang janitress na nag-aabang sa labas habang masama ang tingin saken

"sa susunod wag ka sa C.R. magkalat ah?"

sabe saken ng janitress bago ako tuluyang umalis ng C.R.

At dahil nga may trabaho pa ako, bumalik na ako sa faculty at pagkakitang pagkakita pa lang saken ni sir, ayun, tumawa na siya ng napakalakas >_<

"Haha! Hindi mo man lang ba inisip na haha! nasa C.R. ng girls yung vendo machine? Hahaha!"

tanong niya saken habang tumatawa paden =__= oo na, alam ko na

Inakbayan ako bigla ni sir sabay bulong ng

"Secret lang naten yu~"

Hindi natuloy ni sir yung sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto at nakita namen si Claue na gulat na gulat sa inabutan niya, sa sobrang taranta rin namen ni sir ay bigla niyang tinanggal yung braso niya mula sa pagkakaakbay saken at bigla rin akong dumistansya.

ILY Sir; A Student and Professor Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon