Maaga akong nagising para iimpake ang mga gamit na dadalhin ko, mamaya pa naman yung camp pero parang ayoko ng pumasok dahil sa sobrang excited ko.
"Mauren, naglayas ka?"
-Kate"May science camp kame mamaya" sabay hikab
"Ha? Diba for teachers lang yun?"
Pero sa halip na sagutin ko yung tanong ni Kate ay dinukmo ko na lang yung ulo ko sa mesa dahil sa sobrang antok at hindi rin naman nagsipasok ang mga prof ko ngayong araw"Mau. . . Diba close naman kayo ni Harvey? Baka pwedeng pakilala mo naman ako, crush na crush ko kase talaga siya eh"
Nagpatuloy lang ako sa pag-idlip kahit na naririnig ko naman siya, nagkunwari na lang akong tulog"Wag mo kong aagawan Maureen ah? Kay sir Jonas ka na"
Zzzzz"Alam naman namen nila Lily at Lala kahit di mo sabihin eh, alam naman nameng may something ka kay sir. Pag Physical Science time na hindi ka matinag sa pagtitig mo kay sir, pero sana hanggang dun lang yun Mau, wag sana kayong magkaron ng affair"
Tama, nasa patakaran ng school na bawal makipagrelasyon ang prof sa student. Pero wala namang kahit ano samen ni sir diba? Maliban na lang sa mga pagkakataong . . . Wait, may something nga ba?Naramdaman ko ang pag-alis ni Kate sa tabi ko, narinig ko rin ang pagbukas ng pinto. Baka pinuntahan ni Kate yung kambal dun sa bench, naiwan na lang ako dito kasama ng iba ko pang mga kaklase na naghihintay rin kay sir Jonas. Hindi na siguro aattend ng klase yun, baka hinahanda na niya rin yung mga gamit niya para sa camp.
*Blaaag*
"BUMANGON KA JAN!"
Naramdaman kong may sumipa ng upuan sa harap ko, alam kong ako ang sinisigawan ng taong to
Dahan dahan kong inangat ang mukha ko mula sa pagkakadukmo sa upuan at hinarap ang kung sinumang babaeng naninigaw saken."Ano ba yun Claue?"
"Tang-ina mo maang-maangan ka pang sipsip ka!"
Hindi ko maintindihan ang sinasabe niya at lalong di ko alam ang dahilan kung bakit galit na galit siya
"Ha? Ano bang ginawa ko?"
Walang ideya kong tanong sa kanya, dahil sa iskandalong ginagawa ni Claue ay nakuha namen ang atensyon ng mga kaklase namen.Bumukas ulit ang pinto at nakita ko si Mariell na pumasok na may dala-dalang libro
"Sumbungera! Nang dahil sayo suspended kame!"
Ngayon ay nakikisali na si Mariell, pinagtutulungan nila ako ni Claue"Hindi ko alam yung sinasabe nyo"
Pagdedefend ko sa sarili ko"Sinumbong mo kame kay ma'am Catakutan na nagkopyahan sa exam diba? IKAW YUN DIBA? TANG-INA MO SIPSIP KANG GAGO KA!"
-Mariell"Ha? Hindi ako yun, wala akong sinusumbong"
Pinagtitinginan na kame ng lahat, pero wala ni isa ang umawat sa kanila, yung pakiramdam na parang natutuwa pa sila sa pangyayare?Binato naman saken ni Mariell yung librong hawak niya dahil sa sobrang panggigigil saken at tinamaan ang kanang bahagi ng bibig ko kaya napahawak ako dito
"King-ina mo di ka lang sipsip, ang kati mo pa! Santa santita amputa! Nakita ko kayong naglalampungan ni sir Jonas, ikaw ang dapat masuspinde! Diba totoo? Hindi mo mapagkakaila saken yun, nakita ko kayo hayop ka"
Sunod sunod na pambibintang saken ni Claue, mas lalong nakiusyoso tuloy yung mga kaklase ko at ramdam kong pinagtsitsismisan na nila ako. Yung iba pa sa kanila ay mas lalo pang lumapit at sinadyang di kame awatin, nagpapahiwatig na ituloy ni Claue yung balitang wala namang katotohanan.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para ipaliwanag na hindi totoo yung nakita niya sa faculty kaso nagsalita na naman si Mariell at sa panahon ngayon, namumula sila sa sobrang galit saken lalo.