(Maureen's POV)
"Ineng . . . Ineng . . . Gising na! Bawal dito"
Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog nang may maramdaman akong may tumatapik sa balikat ko
"Hmmm"
Minulat ko yung mga mata ko ng dahan dahan at nakita ko si Manong guard sa harapan ko kaya napaayos ako bigla ng upo
"Ano bang ginagawa mo dito? Bawal dito ah? Umalis ka na at baka pati ako eh mapagalitan"
panenermon sakin ng guard
"Pasensya na 'ho, anong oras na po ba?"
"Alas dose na ng gabi kaya umuwi ka na, panigurado hinahanap ka na ng magulang mo"
Teka, asan na si sir?
"Kuya asan na si sir? Yung kasama ko dito?"
alalang pagtatanong ko
"anong sir? Wala ka namang kasama dito ah? Baka nananaginip ka lang?"
Huh? Eh diba pareho kameng andito ni sir?
"Hindi kuya, nagkakamali ka! May kasama ako dito, si sir Jonas Ronan"
ang alam ko talaga kasama ko sya eh
"Kanina pa umuwi lahat ng tao dito ineng, mga security guard na lang ang nandito kaya wag ka ng magdahilan"
"Po? Hindi po ako nagdadahilan, kasama ko nga po si sir Jonas, yung professor?"
Ako lang ba talaga mag-isa dito? Ang alam ko talaga magkasama kame ni sir eh
"Ang sabihin mo, nagtago ka lang dito dahil naglayas ka sa inyo kaya wag ka ng magdahilan na may kasama kang professor"
Hindi totoo yan, diba na-lock pa nga kame dito?
"Hindi po totoo yan, na-lock pa nga kameng dalawa dito ni sir eh"
"Bukas yung pinto nang dumating ako dito. Wag ka ng magsinungaling, mga kabataan nga naman ngayon oh? Sundin mo na lang kase ang magulang mo at umuwi ka na sa inyo"
Tumayo na ako at sumama sa guard pababa, siguro nga nananaginip na naman ako
bukas daw kase yung pinto nang dumating sya, so ibig sabihin guni-guni ko lang na na-lock kame dito ni sir at wala talagang magical moment na nangyare?
Lately talaga purp imagination na lang yung nararanasan ko, wala bang reality? Wala man lang twist tong story ko
Pinauwi na ako ni manong guard at ang dami nya na namang sinabe, kesyo wag daw ako magtatampo sa magulang ko, sundin ko na lang adw yung mga payo nila, para sakin daw lahat yun
Ah basta! Nakakarindi na
Habang naglalakad ako pauwi sa amin, bumibilis na naman yung heart beat ko. Nararamdaman ko na naman yung magical feeling kanina