"Mag-ingat ka nga! Wag kang tanga!"
"Mag-ingat ka nga! Wag kang tanga!"
"Mag-ingat ka nga! Wag kang tanga!"
Hindi ko alam kung baket, yan lang yung word na sinabi nya saken pero feeling ko may ibang kahulugan para saken.
Am I that fool? Maybe bacause I'm not always careful, palagi na lang may nangyayare sken na hindi maganda lately.
Pumasok na ako sa gate ng school namen para pumasok na sa first class ko, kaso bago ako makaakyat ng building may mga grupo ng estudyante ang nagkakagulo. Meron silang pinagkukumpulan dun, hindi ko alam kung ano yun.
Tinignan ko kung ano yung pinagkakaguluhan nila at nakita ko si Harvey at yung isang lalake na nagsusuntukan.
"FUCK! SIGURADUHIN MONG KILALA MO YUNG KINAKALABAN MO AH?"
Nakita kong may dugo na sa mga mukha nila pero mas kawawa yung lalaking nakahiga na sa floor, Pagkatingin naman ni Harvey sa direksyon ko napansin nyang nanonood ako sa kanya. Naglakad na sya papaalis dun sa lalake na binugbog nya at dun sya padaan sa bandang kinatatayuan ko.
Nang malapit na sya sa pwesto ko hinawi nya ako para makadaan sya, hindi naman masyadong malakas yung pagkakahawi nya pero sapat na para mapaalis ako sa pwesto ko at makadaan sya.
Pumasok na ako sa first class ko, which is general psychology kay maam Catakutan. Sakto lang naman ang dating ko dahil magkasunod lang kame ni maam, yung mga kaibigan ko naman busy sa mga kanya kanya nilang gawain kaya wala akong makausap.
"Ok BSED's we don't have a class for today"
announce ni maam kaya tuwang-tuwa yung mga kaklase ko
"But . . . we have our first practice for your performance of social dance, so everybody go to gymnasium now. Your partners are waiting for you"
Pumunta naman kame sa gymnasium gaya ng sinabi nya, at nakita ko dun yung makakapartner ko na si Harvey. Napakacold naman ng tingin nya saken kaya kinakabahan na naman ako.
"Everybody position, hold your partners now"
utos samen ng aming dance instructor kaya sinunod na lang namen, mas lalo akong kinakabahan dahil nga natatakot ako kay Harvey. Pero wala naman akong magagawa, iiwasan ko na lang siguro sya, pero pano?
"Ok guys, the first step is this. Hawakan nyo yung kamay ng girl at iikot nyo sya ng parang ganito"
Nagdemo yung instructor samen ng kailangan nameng gawin kaya nagkatinginan kame ng partner ko, wala lang syang reaction samantalang ilang na ilang na ako.
He started to hold my hand, napaka-warm ng mga kamay nya samantalang kabaligtaran naman nung akin dala ng kaba. Inikot nya naman ako gaya ng instruction, nagkasalubong naman kame ng tingin pero agad din akong umiwas. Nagawa naman namen yung first step kaya nag proceed na kame sa secong
"Very good guys, and for the second one is this. Hawakan nyo ulit yung kamay ng girl pero this time from the back, bale naka cross arms kayo and then hold her face like this"
Mas lalong nakakailang yung second step namen kase this time, magkayakap yung position namen pero from the back. Ginawa na namen ni Harvey yung second step, nang hawakan nya yung mukha ko, naramdaman kong nagsisimula na syang ma-tense.