Mag-iisang linggo na rin simula ng iwasan ako ni sir Jonas, hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot. Siguro dahil na rin sa gusto ko sya. Kung ikaw ba naman iwasan ng taong gusto mo matutuwa ka? But I think mas ok na rin to, sa ganitong paraan siguro mawawala na yung feelings ko para sa kanya.
Umalis na muna ako sa apartment ko para pumunta sa bookstore, bibililang sana ng latest na libro. Pagkalabas na pagkalabas ko bumungad sakin ang napakalamig na hangin, may mga couples akong nakita na napakasweet sa isa't isa.
Magpapasko na pala pero walang kabuhay-buhay yung apartment ko, ako lang din naman kase mag-isa dito kaya bakit pa ako magdedecorate?
Alas otso pa lang ng gabi pero konti na lang yung mga tao dito sa labas, that's why I hate being alone, lahat na lang napapansin ko.
Malapit na akong makarating sa pupuntahan ko nang may makita akong matandang lalake sa di kalayuan, kaya napahinto ako para obserbahan kung ano yung nangyayari.
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero narinig kong nagsisigawan yung matandang lalake at yung isang lalaking nasa middle age na, nakita kong tinulak nya yung matanda kaya naman nagulat ako.
"ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA WAG KANG MAGTINDA SA TAPAT NG BAHAY KO?"
The feeling of parang kinukurot ang puso ko? Nakakaramdam ako ng lungkot at the same time, ayokong dumating yung panahon na iiwan ko ang mama ko at gaganyanin rin sya ng ibang tao. Alam kong darating rin yung araw na iiwanan naten yung mga magulang naten at bubuo ng sariling pamilya, pero sana wag naman naten silang pabayaan at hayaang apihin ng ibang tao. Buong buhay din nila tayong inalagaan.
Hindi parin nakakatayo yung matanda dahil sa pagkakatulak sa kanya, nananakit siguro yung balikat nya
"AYOKONG MAKITA KA ULIT DITO! UMALIS KA NA!"
After sabihin ng lalake yun, tinumba nya lahat ng panindang tinapay ng matandang lalake. Hindi ko na talaga kinayang panuorin ang ginagawa nya sa matanda, kaya nagdecide na akong awatin sila.
Lalapit na sana ako nang biglang may lumapit na binata sa dalawa, tinayo nya ang matanda at dinampot isa-isa yung mga tinapay na nalaglag sa sahig. Pagkatapos nyang gawin yun, mas kinagulat ko nang ibato nya ang tinapay sa middle age man.
"Wala ka bang konsensya para gawin yun? Pwede mo naman syang kausapin ng maayos hindi yung itutulak mo pa sya! SOBRA KA NAMAN!"
Galit na sabi nung binata
"SINO KA BA? AT BAKIT NANGENGEALAM KA DITO?"
pasigaw na tanong nung middle age man
This time lumapit yung lalake sa binata at sinuntok nya ito sa mukha, sa lakas ng pagkakasapak sa kanya napahiga sya sa sahig. Hindi pa nakuntento ang lalaki dahil sinipa nya pa ang binata, bakit hindi sya lumalaban? Kaya nya naman siguro yung lalakeng yun dahil matangkad sya, nagpapabugbog lang ata sya eh.
Lumapit na ako sa kanilang dalawa at pumagitna
"Tama na po, parang awa nyo na"
paki-usap ko sa lalaki, napatungo naman yung binata dahil pumagitna ako sa kanila.
Teka, si Harvey to ah? Bakit sya nandito?