Chapter 15: Exotic Food

102 4 0
                                    

(Maureen's POV)

Sa sobrang pagkagulat ko sa ginawa ni Harvery, hindi agad ako nakakilos. Binato-bato niya saken kanina yung helmet tapos ngayon? Hayssss

Binato niya saken kanina yung helmet ng walang pakundangan para isuot, ni hindi pa nga siya sumasagot sa mga tanong ko kung san kame pupunta. Kung sigaw-sigawan niya ko parang katulong o alila lang niya.

Pinapaandar lang ni Harvey yung motor niya habang nagpapatangay na lang ako kung saang lugar man niya ako balak dalhin.

Nasa likod niya lang ako pero patagilid yung upo ko since nakapalda ako, nakahawak naman yung right hand ko sa bakal ng motor niya sa likod dahil baka maaborido na naman siya kapag dumampi ang palad ko sa balat niya.

Medyo nahihirapan akong mag-balance dahil hindi naman ako sanay na sumakay sa motorcycle, kung hindi ko lang siguro nilalagyan ng pwersa yung kamay ko ay baka nalaglag na ako. Mabuti na lang dahan dahan yung pagpapatakbo niya at hindi matulin.

Naalala ko lang bigla kanina nung tinalikuran ko siya sa sobrang bwiset dahil hindi niya sinasagot yung mga tanong ko, idagdag mo pa na ibato niya saken yung helmet, pano na lang kung di ko nasalo yun? Baka tumama pa yun sa mukha ko.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko, hinila niya na naman yung braso ko sabay sigaw na gusto niya lang daw kumain at samahan ko lang daw siya, sinabihan pa akong shut up. Ang tinde nga naman ng lalaking to, siya na lang yung magpapasama, hindi man lang marunong makiusap.

Pero parang ang bilis magbago ng mood niya? Sinuot niya saken yung helmet ng maayos, siya pa mismo ang nagkabit ng straps at hindi niya na ako hinila ng gaya ng lagi niyang ginagawa, sa kamay ko pa nga siya humawak eh.

*broooom *broooom

O_O

"Aaaahhhh"

Biglang bumilis yung pagpapatakbo niya, shit! Baka malaglag ako? Hangga't sa
-
-
-
O///O O///O O///O

Napakapit ako sa bewang niya.

Agad ko namang tinanggal yung pagkakakapit ko sa bewang niya, napapikit na lang ako at hinihintay na sigawan niya.

1, 2, 3 seconds pero wala paring sigaw ni Harvey kaya minulat ko na lang yung mga mata ko.
Hindi niya siguro naramdaman dahil mabilis yung pangyayare, sakto na naka red yung stop light kaya naayos ko muli yung sarili ko gaya ng pagkakaupo ko kanina.

Pero para akong naging bato nang hawakan niya yung dalawang kamay ko at ilagay niya yun sa bewang niya, dahilan para manlaki yung mata ko.

"Kumapit ka"
Paalala niya saken saka muling pinaandar ang motor, ni hindi ko na nagawang makapagsalita. Sobrang naninibago na talaga ako sa lalaking to, siya ba si Harvey?

***
Akala ko naman sa mamahaling restaurant niya ako dadalhin, o di kaya sa kahit anong kainan dahil nga sa nagugutom daw siya. Yun pala sa 'PET SHOP' niya lang ako dadalhin -_- hay nakuuu!

"Akala ko ba kakain tayo? Nagugutom na ko"
Inis na tanong ko sa kanya

"Oo nga, pakakainin nga kita"
Bigla namang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya, may itinaas naman siyang dalawang karton ng cerial

"Pedigree o alpo?"
Alok niya saken, inirapan ko na lang siya sabay sabing

"Tse! Tingin mo saken aso?"

"AHAHAHAHAHA!"
Ha? Si Harvey tumatawa?

Napahinto naman siya sa pagtawa nang mapansing nakatitig ako sa kanya

"Just follow me, wag ka ng magreklamo"
Bigla namang bumalik sa dati yung maangas na look niya. Tignan mo to, napaka moody talaga.

As he said, sumunod na lang ako sa kanya at nagpatulong siya sakeng pumili ng cute na aso.
Pinili ko naman yung cute na Japanese breed dog na color brown with red ribbon sa tenga niya, ang kikay lang ng look?

Karga karga ni Harvey yung aso habang papunta kame sa restaurant, kumukulo na kaya yung tiyan ko sa sobrang gutom? Pero bago kame pumasok sa restaurant na kakainan namen nakita ko yung pangalan ng resto na "SIZZLING EXOTIC's" pero hindi ko na lang yun pinansin

Akala ko resto, hindi pala as in, parang karindirya na formal? Ah basta ewan

"Anong gusto mo?"
Tanong saken ni Harvey

"Ikaw bahala"
Response ko, tinawag niya naman yung waitress para umorder

"Yes pogi?"
Halatang nagpapacute yung babae, yuck! Feeling pretty

"2 order ng pritong palaka, 1 sinigang na tuko at 2 ice cream na crocodile flavor"
Napanganga naman ako sa order ni Harvey, parang ngayon pa lang sumasakit na yung tiyan ko.

"Hoy! Nagbibiro ka ba?"

"I'm serious"

"Hindi ako kumakain nyan"

"Just try, masarap kaya. Lalo na yung ice cream na buwaya"

Hindi na ako nakapagreklamo dahil dumating na yung order namen pero di ko pa rin ginagalaw yung pagkain ko.
Napansin siguro ni Harvey na di ako kumakain kaya naghimay siya ng kaunting pritong palaka at akmang isusubo saken, pero hindi ko binubuka yung bibig ko.

"Tikman mo lang, akala mo kase kung hindi kita sa restaurant dadalhin dun kita papakainin sa street foods para sweet? Ew, fuck that romance stories! Nakakain na ako dun, pero mas masarap talaga dito, trust me"

"Sure ka ah?"

Pinikit ko na lang yung mata ko at unti-unting binuka yung bibig ko habang palapit ng palapit yung kamay ni Harvey sa bibig ko.
Dahan dahan kong nginuya yung palaka na yun at pinakiramdaman yung lasa. Pagkamulat ko nakatitig lang saken si Harvey at naghihintay sa reaksyon ko, napangiti ako at sinabing

"Sobrang sarap"
Napangisi naman si Harvey sa sagot ko at nagpatuloy sa pagkain, ganun din naman ako.

Tinikman ko yung sinigang na tuko pate yung ice cream nilang crocodile flavor, heaven sa lasa. Mandidiri ka lang sa una pero pag natikman mo, hindi mo aakalaing exotic food yon.

Natapos na kame ni Harvey na kumain at pauwi na kame, habang naglalakad kame papunta sa nakaparada niyang motorcycle bigla siyang nagsalita

"Tomorrow is the science camp, kasali ka ba?"
Bigla kong naalala, oo nga pala

"Yup, magka-team kame ni sir Jonas"
***
(Harvey'sPOV)

Naihatid ko na siya, akalain mo yun? Naubos niya yung order namen? Buto lang ata yung natira

"Sir Harvey, may bisita daw po kayo"
Bumaba naman ako para tignan kung sino yun. Si Jed lang pala

"What brought you here?"
I asked him

"Pinapaalis mo na ba ako? Makikibalita lang naman"

"For what?"

"I know you did something about the science camp for tom, what's with that?"

"I will just tell you after the science camp"

===============================================================

A/N: sorry for the super late update, naging busy lang nitong mga nakaraang buwan to fulfill my requirements para sa finals, alam nyo nman pag college. Pero sobrang nakaka-flutter na makita sa notif ko na marami na palang naglagay nito sa kanilang reading list kahit hindi ko kilala. Dedicate ko sana kay Bobb111 kaso hindi sya naka-follow saken kaya ayaw madedicate. Happy 1.7k reads :)
PS: ayan na yung iniiyak mo steppy

ILY Sir; A Student and Professor Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon