Chapter 1 - Pushing Me

47 21 0
                                    




"Ano ba kasi yan?" tanong ko dahil kanina pa siya nagbi-bilang habang ako naka-piring dito.

"How can I continue counting kung singit ka ng singit dyan?" reklamo niya. Tahimik lang akong naupo habang hinihintay siya.

Paano ba naman paggaling ko pa lang kanina sa work hinatak na niya ako kaagad dito sa malaking bahay niya, ni hindi man lang ako pinakain muna. Nagugutom na ako eh.

"3! Remove mo na yan!"excited niyang sigaw habang pumapalakpak.

Bumungad sa akin ang dalawang piraso ng ticket at yung ngiti niyang ayaw kong makita.

"PASOK TAYO SA EVALUATION!!!!" sigaw niya habang winawagayway yung mga ticket.

Hay nako eto na naman siya sa pagiging lokaret niya sa mga imaginary husband niyang nakatira sa South Korea.

"WE ARE O—teka bat hindi ka masaya?" tanong niya at sabay palit ng dismayadong reaction sa kaninang baliw na emosyon.

Nakaka-baliw ang maging fangirl, isang pangit na halimbawa doon ang kaibigan kong mayaman na walang ibang ginawa sa pera niya kundi gumastos para sa mga lalaking hindi naman siya kilala.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo? A-Y-O-K-O." pinitik niya ang noo ko at sumimangot.

"Hoy Rose Trinidad... wake up! Mahigit million ang nag apply doon sa evaluation for staff at anim lang ang pipiliin... dalawa tayong napili sa anim na yon baliw ka ba?!" tumayo siya at inilagay ang kamay niya sa beywang niyang sing-liit ng teenager.

Isang baliw na fan si Marielle nang makilala ko siya noon sa concert 4 years ago. Fan din naman ako pero umayaw din ako dahil nakakapagod silang sundan. Si Marielle palaging nagpupunta sa concert nung mga idol niyang tinatawag na The Youth, may limang members at sumikat sila ng sobra-sobra sa buong mundo. 4 months later nagkaroon ng mass announcement ang entertainment nila na LC Entertainment o ang ibig sabihin ay Lee Chan ang pangalan ng founder ng company na iyon. At sinasabi doon na magkakaroon sila ng evaluation for staff sa iba't-ibang panig ng mundo. Sumali si marielle at lingid sa kaalaman ko na sinali niya rin ako, wala akong choice kung hindi um-oo dahil malaki na ang utang na loob ko sakaniya at para ko na rin siyang kapatid dahil tinuring nila akong pamilya.

Me and Marielle took the examination for National Korean Language University nung una ayaw ko pero nabayaran na raw niya kaya wala na akong nagawa, Next we took the examination for EPS Licensure kung saan required i-take para makakuha ng slot para sa magaganap na evaluation para sa mga staff. Matapos makuha ang lahat at maipasa last terminal namin ang examination for Korean staff, I graduated as a Human Resource Development and Management kaya sa tingin ko naipasa ko iyon dahil sa mga natutunan ko sa college. At ngayong nakapasa na kami at ready to flight na para maging 1 month staff for evaluation sa korea, gusto kong umatras dahil alam kong after 1 month wala naman talagang magiging official staff sa anim na napili... they are just doing that to gain more popularity at masabing wala silang discrimination sa ibang bansa pero after matapos ang 1 month evaluation alam kong wala ring makakapasok sa amin.

So bakit pa ako kailangan mag-pagod doon? Baka alilain lang kami nila doon lalo na mga superstar ang makakasalamuha namin. Besides, kalahati sa 100% na nag take ng evaluation ay fans ng mga 'The Youth' isang pangit na halimbawa na roon si Marielle.

"Rose naman ang dami na nating napagdaanan para dito sa ticket na ito... isa itong destiny!" nag crossed-arms pa siya at inikot ang tingin niya sa mga poster na nakadikit sa dingding niya.

Para ngang museum na ito ng the youth eh sa sobrang daming pictures at mga merchandise mula sakanila.

"bakit ba? Adik ka rin naman sa the youth ah!" ani niya.

Behind The SceneWhere stories live. Discover now