Chapter 13 - With You

15 13 0
                                    



"We'll be okay." sabi ko sakanila habang nakaharap sila isa-isa sa amin ni ate daisy ngayon dito sa parking lot.

"YAH ROSIEYAH COME BACK EARLY OK?!" sigaw ni V.I sa akin at nag thumbs up. Nakakatuwa dahil para akong aalis ng isang taon sa ginagawa nila.

Si daeho,luis,jane,Mr.Kwon at yung apat na miyembro ng the youth lang ang nandito. Gustuhin man nila kaming ihatid sa airport pero hindi pwede dahil may show sila mamaya.

"Take care of rose." bilin ni Mr.kwon kay ate daisy.

"Of course!" Hinatak niya ako at tinapik ang balikat ko.

"Let's don't be sad! Its only five days! Roseee!!! Nakakaloka ka bumalik ka kaagad huhuhu." lumapit sa akin si jane at yinakap ako ng mahigpit.

"Siraulo talaga yan no." bulong naman ni daeho sa gilid.

Pumasok na sa loob ang the youth kasama si Mr.Kwon dahil kailangan na nilang magayos para sa show mamaya. Habang sila daeho naman nandito pa at sinasamahan kaming hintayin ang van na susundo sa amin.

"Nasan si top?" tanong ni ate daisy.

"Hindi namin siya nakita simula kanina." sagot naman ni jane.

Kanina pa ako palinga-linga dito dahil baka nandito lang siya sa tabi-tabi kinukuhaan ako ng litrato ng palihim. Daig niya pa ang paparazzi kung kumuha ng candid photo eh!

"Hoy rose aminin mo in love kana din sakaniya?" biglang tanong ni daeho. Agad namin siyang tinignan ng nalilito kaya umatras siya at napakamot sa ulo.

"Bakit sa tingin mo ba sayo siya maiinlove? Aish!" binatukan ni luis si daeho kaya ayan nag-aaway na naman sila.

Naramdaman ko ang palad ni ate daisy sa balikat ko. Alam kong ine-expect niya rin na makita dito ngayon si Mr.Lee pero simula nang dumating kami dito kaninang umaga wala kaming nakitang bakas mula sakaniya.

"Andyan na yung van...see you soon!" paalam ni ate daisy at sumakay na sa loob. Bago ako sumunod sakaniya nagyakapan muna kaming apat.

"Hoy i-kamusta mo nalang ako kay marielle!" Sigaw ni jane bago ko isara ang pintuan.

"Let's rest there." bulong ni ate daisy.

May punto siya sa sinabi niya sa akin kanina habang nag-iimpake ng mga gamit. Sa loob ng five days makakapag pahinga kami, lalo na siya. At masaya ako para sakaniya dahil alam kong matagal na niyang gusto lumayo sa lugar kung saan nandoon yung taong iniiwasan niya pero wala siyang magawa dahil tao lang siya na nagmamahal ng husto.

Pag-sakay sa eroplano natulog kaagad kami ni ate daisy at ilang oras pa ang nakalipas bago makarating dito Sa Philippine airport. Bumaba na kami at kinuha ang mga gamit, nagpasundo kami sa grab at dumiretsyo muna sa pinaka malapit na hotel.

"Bibihis lang ako." ani niya sa akin at nagpunta ng banyo.

Pupunta na kami ngayon sa St.Peter kung saan nakaburol si Marielle. Hindi pa nila alam lily na pupunta ako, hindi ko na pinaalam dahil alam kong abala sila sa pag-asikaso kay marielle.

"Only five days." sagot ko kay beverly matapos niyang malaman na nandito na ako sa Pinas.

"Let's meet tomorrow." Ani ko at binaba na ang telepono. Marami akong dapat asikasuhin sa loob ng limang araw, hindi lamang si Marielle ang pinunta ko dito kundi ang patong-patong na problema na kinakaharap ng pamilya ko ngayon, yung business na maiiwan ko at yung trabaho na bibitiwan ko.

Marami akong bibitiwan para sa pagiging staff.

Marami akong iiwan para doon.

Kaya hanggang ngayon hindi ko parin matanggap pero ginagawa ko ito dahil iyon ang sinasabi ng puso ko.

Behind The SceneWhere stories live. Discover now