Chapter 9 - He's Percfect

14 16 0
                                    

Nakapangalumbaba ako habang hinihintay yung mga artista na magpunta na dito.

Sobrang tagal nila kailangan pang sunduin ng sampung staff -___-

"You okay?" biglang sumulpot sa harapan ko si Jordan at inabot sa akin ang isang ice cream na hawak niya.

"Thanks." Ani ko at tinanggihan ang ice cream na binibigay niya. Ang aga-aga papakainin niya ako ng ice cream? Sikmuraan ko talaga siya.

"Rose... can I ask you something?" tanong niya at lumapit ng ka-onti sa akin.

"What?" tanong ko. Wala ako sa mood makipag usap, wala pa akong tulog tapos binwisit pa ni top ang araw ko.

"D-do you have a boyfriend?" tanong niya.

Ano ba siya? Baliw ba siya?

"I don't have that word in my vocabulary." Sabi ko ng hindi tumitingin sakaniya. Nako sasapakin ko talaga si Jane mamaya, pinakilala pa niya kasi sakin ang isa sa mga joblets niya.

"Hahaha you are kidding me right?" anong nakakatawa don?

"Do I look like?" tinignan ko siya at tinuro ang seryoso kong mukha.

"You are really something rose... I am intere—"

"Who says you can flirt here?" naputol ang pagsasalita niya ng may sumingit sa usapan, gulat na gulat siyang nakatingin sa likuran ko.

"o-ohh... top." Nang sabihin ni Jordan iyon agad akong napalingon sakaniya.

PUTAKTE! Kanina pa ba siya dyan? Mukha siyang laos na goblin na nakasuot ng kulay brown niyang shades!

"You are here because you need to work... not to flirt." Seryoso niyang sabi.

Hindi ko alam kung sino ba ang tinitignan niya sa aming dalawa pero mukhang mamamatay na sa takot si Jordan.

"A-ah... mianhe!" agad na yumuko si Jordan sa harapan niya at tumakbo paalis.

Wow nakakabilib talaga siya manakot ng kapwa niya. Siya kaya hindi natatakot sa jejemon niyang porma?

"Fix my things." Utos niya sa akin sabay talikod.

Ano ganun nalang yun? Magwo-walk out na naman siya pagka tapos gawin yung isang bagay nayon?!

"Fix your face..." bulong ko at nag crossed-arms. Huminto siya at humarap sa'kin. Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan habang yung dalawang kamay niya ay nakalagay sa likuran niya.

"Do you see this?" tinuro niya ang noo niyang mumula.

"This is because of you." Dagdag niya pa.

"You started it!" sabi ko.

"You owe me a lot sunshine... next time I will not let it pass. I will make you pay." Napalunok ako sa sinabi niya. Yumuko siya ng kaonti kaya napaatras ako dahil maglalapit na naman ang mukha namin.

*dug dug dug*

"I-its okay... I can pay you..." sabi ko habang hindi tumitingin sakaniya.

"Jinja?" napalunok na naman ako. Napaka lalim ng boses niya.

*dug dug dug*

Ginalaw niya ang mga paa niya at naglakad papunta sa akin. Napaatras ako ng napaatras dahil sa ginagawa niya hanggang sa sumandal na ako sa kawayan.

*dug dug dug*

"There's no place to run..." nagpalinga-linga siya at nginisian ako. Nakalagay parin ang mga kamay niya sa likod nito at inilapit lalo ang ulo niya.

Behind The SceneWhere stories live. Discover now