Chapter 15 - New Life...

16 13 0
                                    

1 year later...





"TOWEL TOWEL!!!" sigaw ko.

Matapos manganak ni ate daisy napagpasyahan ni mr.lee na mag-leave for vacation (kunware) muna si ate daisy para makapag pahinga at maalagaan ng maayos ang baby boy nila ni mr.lee. Kaya eto ako pumalit sakaniya pansamantala bilang senior manager ng staff, medyo mahirap pero ayos lang dahil lagi akong tinutulungan ni jane.

Lahat kami ay busy ngayon dahil magkakaroon ng fan meeting sa susunod na linggo. Isang taon na mahigit simula ng mag-trabaho kami dito nila jane bilang official staff.

Sa isang taon na iyon hindi naging madali dahil nandoon ang mga araw na straight 1 week kaming walang tulog, 2 days kaming nagttrabaho at walang kain. Sobrang hirap maging isang staff lalo na kung ang hawak mo ay gaya ng the youth. Napaka daming schedule at hindi nauubusan ng schedule, pero sa kabila ng lahat masaya ako dahil...

Habang naglalakad ako sa hallway bigla nalang may humatak sa akin papasok sa dressing room kung saan walang tao at nag-labas siya ng panyo para ipunas sa mukha ko.

"You're sweating too much..." Ani niya habang busy sa pag puwas sa pawis ko. Sobrang busy ng mga staff lalo na ang technicals dahil may biglaang live show na magaganap dito sa loob ng building mamaya.

Nag tawanan kaming dalawa pagkatapos niyang punasan ang pawis ko.

"Yah rose eodiseo?!" (T/K: where is rose?) rinig kong hanap sa akin ni Mr.Kwon sa labas. Agad ako kumilos pero bago makalabas hinatak niya ulit ako palapit sakaniya at inilagay sa palad ko ang panyo niya.

"See you later." ani niya at hinalikan ako sa noo bago ako lumabas at magpa-kita kay Mr.Kwon.

Sa loob ng mahigit isang taon kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagod dahil palaging nandyan sila jane at syempre si mark. Nandiyan siya lagi minsan nga kahit alam kong pagod na siya dadalawin parin niya ako sa bago kong apartment para lang dalhan ako ng pagkain o para kamustahin ako.

Lahat kaming mga passers ako, jane, luis, daeho, pandora at yung iba pa ay binigyan ng kaniya-kaniyang maliit na apartment kaya naman hindi na kami mahihirapang maghanap ng permanenteng apartment. Syempre kami ang magbabayad non, sila lang ang naghanap para sa amin.

Sa loob ng mahigit isang taon lagi kaming magkasama ni top, kung saan siya doon ako dahil palagi niya akong kinakaladkad. Tanging si ate daisy, jane at mr.lee lang ang nakakaalam sa kung anong meron kami ni top ngayon. Masyadong komplikado ang sitwasyon kapag sinabi na namin sa public lalo na ngayong magkakaroon sila ng world tour sa susunod na buwan.

"Girl ano mas maganda?" Agad kong tinuro ang kulay green para sa magiging background para sa live show mamaya kasama ang marvelous at the youth.

Isang live show collaboration ang magaganap galing sa dalawang grupo, busy ang mga staff ng bawat group dahil kailangan namin mapaganda ang show... LIVE ito international!

"Kumain kana ba?" tanong sa akin ni jane habang abala akong nag-aayos ng manuscript at iniisa-isa ang mga props kung maayos ba baka kasi may technical problem.

"Yah rosieee." lumapit sa akin si V.I na ganoon pa rin kataas ang energy.

"Can you help me with this?" itinuro niya sa akin ang puzzle na lalaruin niya mamaya sa live show.

"Haha... you should be the one who fix it..." ani ko sakaniya. Ayoko naman siyang tulungan pero ayoko rin siya pahirapan. Kaso paano magiging maganda ang takbo ng show kung alam na niya kung paano gawin yon?

"Rose rose rose...lift this help!" ibinaba ko ang manuscript at tinulungang iangat ang stant kasama si jordan at ibang technical staff.

"Thank you! You're the best!" ani niya at bumalik sa trabaho.

Behind The SceneWhere stories live. Discover now