Chapter 12 - The Decision

14 13 0
                                    


Lahat kami ay naghahanda na para bumalik sa Seoul. Natapos ng maaga ang shooting kagabi kaya pagka-uwi ko tulog na lahat sila. Hindi ko na rin nakita si top siguro dahil baka napagod, hanggang ngayon kasi hindi ko parin siya nakikita.

"Ano na ang balak mo once na makaharap mo siya?" Tanong ko kay ate daisy habang tinutulungan siyang mag-ayos ng mga gamit.

"Hindi ko pa alam rose." Sagot niya.

"Hindi niya ba kayang panindigan yan? Ginawa niya yan eh!" Irita kong sabi habang padabog na nilalagay isa-isa yung curtain background na ginamit sa set.

"ROSE ROSE ROSEEEEE!!!" parang ambulansyang pumasok si jane at umikot-ikot sa aming dalawa ni ate daisy.

"Ano ba jane ang aga-aga!" Reklamo ni ate daisy.

"Girl 7AM na!" ani naman ni jane at naupo sa harapan namin.

"Tawag ka ng top mo—" napahinto siya at tinignan si ate daisy na biglang nagbago ang reaksyon.

"Top moody bwisit kung maka-utos!" nanlaki ang mata ko ng bigla niyang sabihin iyon. Grabe talaga ang bunganga niya.

"Go rose... Mark's calling you." Utos ni ate daisy.

Eto na naman tayo haharapin ko na naman si top. Kagabi hindi na kami nakapag-usap dahil nga sa nagpunta ako sa cocktail at nag-tago kahit sandali lang.

"Where are you last night?" Bungad niya sa akin.

"Why? Finding me?" Pang-aasar ko sakaniya.

"Of course! I told you we'll eat after the shoot!" Irita niyang sigaw sa akin sabay tapon ng bote sa trashcan.

"I was tired...mianhe." Palusot ko sakaniya.

"I saw this..." itinaas niya ng cellphone na tinapon ko kahapon sa buhangin.

Siya pala ang nakakita.

"Give me tha—" bigla niyang binulsa ang cellphone ko. Kukuhain ko sana sa bulsa niya kaso bigla kong naalala na baka iba ang makapa ko.

Wag nalang.

>/////<

"I saw you throwing it." ani niya at sabay crossed-arms.

"Why?" tanong niya.

Sasabihin ko ba? Eh mukhang mas madami siyang problema sa akin.

"Okay if you don't want to tell the reason... let's eat first before you get your phone." Tumayo siya at tinapik ang balikat ko.

Sinundan ko siya papunta sa restaurant na kinainan namin nung isang araw. Wala talagang tao dito umaga man o hapon, buti hindi sila nalulugi?

"Stop doing that." Ani ko sakaniya. Kanina niya pa ako tinitignan matapos kumuha ng order naming dalawa eh.

Naiilang na ako.

"Then stop making me crazy." nakangiti niya sabi.

WAAA!' Wag kang ngumiti!!! Ayan ka na naman sa ngingiti!

Pagod na pagod na ako sa ngiti mon yan! Pagod na akong tumakbo!!!

Pagod na akong umiwas top.

"How?" Tanong ko sakaniya habang pinaglalaruan yung table tissue.

"Stay with me." Ani niya. Napahinto ako sa paglalaro, naramdaman ko na naman ang pag tibok ng puso ko.

"Why do you like me?" Napaka straight-forward ko naman ngayon. Anong meron?

Behind The SceneWhere stories live. Discover now