Chapter 3 - Meeting Him

28 18 0
                                    




Sinundan namin siya palabas at bumungad sa amin ang tinted na van, may sticker na nakalagay LC Entertainment. Naka suot na ako ng shades dahil ayokong masilaw sa mga balat nilang kakulay ng sando ko. Nakasuot na rin kami ng pan lamig dahil hindi biro ang temperatura dito, pag baba palang sa eroplano parang sinampal na ako ng yelo.

"I am Min Han... secretary of Ms.Nam. She's busy in the office so she asked me to take you there." Ani niya.

"Let me check you before everything..." umandar na ang van at inilabas niya ang makapal na portfolio at inisa-isa ang page.

"Kang Daeho from Philippines but born in Daegu South Korea... 22 years old, graduated as..." tumingin siya kay daeho at tumawa bago pa mag-patuloy.

"Mechanical Engineering?" ani niya habang nag hihintay ng sagot.

Paano pa kaya ako?

"I am... I am a fan!" nasapo namin pare-pareho ang mukha namin ng iyon ang isagot niya.

"You are a lucky fan Mr.Kang." ani nung lalaking may hawak ng portfolio at inilipat ang page.

"Luis Villamon from Philippines... graduated from state university with a bachelor degree of Hotel Restaurant and Management... welcome." Ani niya at nag bow naman agad si Luis sakaniya.

Narinig ko rin na unemployed si luis kaya nag exam siya sa evaluation dahil sabi niya malaki raw ang ibibigay na sahod once na maging official staff ka.

It means, he's after the position of being an official staff. Pero who knows? 25 kaming candidates from different country malay mo kuko lang pala nila kami.

"John Silvestre Solomon..."

"Pffttt." Natawa bigla sila daeho at luis kaya tinignan sila ng masama ni jane.

Grabe yung pangalan niya hindi tugma sa nakikita ko sa panlabas niyang anyo.

"sillyehabnida... daehag-e jinhag haessseubnikka?" (T/K: excuse me... Did you go to college?) tanong nung lalaki.

Biglang kinabahan si jane nang tanungin sakaniya iyon.

"You know the rules mr.solomon?" tumingin ako kay jane na hindi alam ang sasabihin niya.

Mukhang nagulat rin sila daeho dahil nanahimik sila sa pagsa-salita.

"dangsin-ui injeungseoneun yeogi gajjaibnida" (T/K: Your certificate here is fake.) Inilabas niya ang papel sa portfolio at ipinakita ang diploma sa amin. Halatang gawa sa pier pero polido at kuhang-kuha ang lay out.

Paano niya nalusutan ang Philippine Embassy? Ipinakita din sakaniya ni Mr.Min ang Background paper niya at walang nakalagay don na nakapag college siya pero doon sa mga pinasa niyang papel for evaluation nakalagay doon ang diploma niya at certificate.

"P-please let me e-explain..." nanginginig niya sabi.

Napapikit yung lalaki at nilagay yung papel ni jane sa pinaka dulo ng page.

"Ms.Nam will take this." Ani niya habang nakakunot ang noo.

Tinignan ko si jane, hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang lamig ng kamay niya. Ito ba ang ibig niya sabihin sa gagawin niya kahit may kapalit?

"Jane..." bulong ni luis at hinawakan rin ang kamay niyang sobrang lamig.

"Ms.Sunshine Rose Trinidad..." tumingin ako sakaniya nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Your background is really great..." ani niya habang tumatango-tango pa.

"A manager and a call center at the same time? slash an owner of a business..." naka shades ako pero nanluwa ang mata ko ng sabihin niya iyon. Bakit parang wala naman akong natatandaan na nilagay ko iyan sa background ko?

Behind The SceneWhere stories live. Discover now