Chapter 5 - Position War

25 17 0
                                    

Hindi na ako pumasok sa radio room kung saan magaganap ang show, nandito lang ako sa labas kasama ng ibang mga staff.

Hindi pa pala ako kumakain, tanging cold coffee na binigay ni V.I pa lang ang natitikman ng lalamunan ko ngayong araw.

Hindi ko matawagan sila lily dahil iniwan ko ang cellphone sa apartment dahil di ko rin naman mapapakinabangan at naka-roaming. Bibili nalang siguro ako pag may time.

Tumingin ako sa paligid ko, lahat ng staff nila parang artista sa sobrang kinis at puti ng balat. Nakasuot ng mini-skirt at tshirt.

Ako? Lahat ng dinala ko suit, long sleeves at mga pantalon dahil alam kong malamig dito pero kung titignan mo sila, parang wala lang.

"Rose?" tumayo ako kaagad at nag punta doon sa isang staff na tumawag sa akin.

"Clean those things arraseo?" ani niya at umalis na silang lahat sa may hall way.

Humarap ako sa mga pinagkainan at mga plastic na ininuman nila. Ano bang tingin nun sa akin? Taga linis? Nakakaasar naman!

Bumaba pa ako ng 3rd floor para makakuha ng garbage bag at umakyat ulit dito sa 7th floor gamit ang hagdan dahil naka maintenance ang elevator nila.

Isa-isa kong pinulot ang kalat at mga plastic, sobrang dami naman nito ilan ba silang kumain dito?

"Rose lift those box and put it here.." utos nung isa sa akin habang nilalampaso ko yung sahig. teka hindi naman siya staff ng the youth ah? Bakit niya ako kilala?

Napatingin ako doon sa babaeng nag-utos sa akin na mag linis ng mga kalat nila, sigurado akong siya ang nag sabi non.

Tumayo na ako para ilipat yung mga box sa kabilang kwarto, grabe sobrang alikabok ano bang laman nitong mga to?

15 box na may lamang mga bato ang binuhat ko para mailipat dito sa kabilang kwarto dahil nakakalat sila sa hallway. Pag labas ko walang tao sa hall kaya't naupo nalang muna ako sa bench. Tinignan ko ang orasan ko 8PM na ilang oras pa bago matapos ang show nila baka alas dose na ako makauwi.

Naririnig ko ang tiyan ko na nagrereklamo, sana man lang may dala akong cellphone para hindi ako maburyo ng ganito katagal.

Nakaupo lang ako hanggang sa lumabas narin sila Mr.Kwon kasama ang lima niyang talent at si ate daisy mula doon sa radio room, tumayo ako at pinalpagan ang damit ko dahil pakiramdam ko dumapo ang lahat ng alikabok dito sa akin sa sobrang tagal kong nag hintay.

"Gwenchana?" tanong sa akin ni ate daisy na mukhang pagod na rin dahil sa lalim ng eyebag niya.

"Ne!" I lied. I am not okay.

But I have to.

Tinawag siya ni Mr.Kwon kaya na excuse siya kaagad lahat ng staff nila umuwi na sa mga bahay nila at sila pauwi narin sa mga bahay nila pero ako nandito pa rin buhat-buhat yung mga bag na ginamit para sa props.

"I will help you." Kinuha ni frank yung isang bag na hawak ko, si sol naman tinulak palayo sa akin yung dala-dala kong maleta. Lumapit din si sun at kinuha yung isang shoulder bag na bitbit ko.

"It's a big day isn't it?" sulpot ni V.I sa tabi ko.

Ngumiti nalang ako sakaniya at hinabol yung mga bag na kinuha sa akin nila frank.

Nagpababa nalang ako dito sa kanto malapit sa apartment ko. 1AM na at wala pa rin akong kain, buti nalang may isang karinderya na nagtitinda dito sa ganitong oras ng gabi malapit sa apartment. Naupo ako at um-order ng ramen at tteokboki dahil iyon lang ang sa tingin kong magugustuhan ng dila ko.

Behind The SceneWhere stories live. Discover now