Chapter 2 - Just Four

31 19 0
                                    


Pinagti-tinginan ako ng mga tao dahil sa suot kong shades. Nakakainis talaga ayaw matanggal ng make up yung namumugto kong mata.

Pumunta ako sa terminal 4 at nag hintay hanggang sa may lumapit sa aking lalaki na naka-suot ng hoodie na kulay green na may mukha ni V.I sa gilid.

"nakakatawa ba yung suot ko?" tanong niya at naupo sa tabi ko.

"Passer ka rin?" tanong ko. Baka siya yung sinabi nila lily na fan din ng youth.

"Oo congrats satin hihihi." Tama ako siya nga yung isa sa mga gay na sinabi nila.

Humarap siya sa akin at sinilip ang mata ko sa likod ng shades.

"I am John but please call me Jane kapag walang boss..." napangiti ako sa sinabi niya at nakipag shake hands sakaniya.

"Rose." Pakilala ko.

"Bakit ka naka shades? Madaling araw?" tanong niya.

"Yung mata ko kasi puyat." Segway ko buti nalang naniwala siya.

"Asan na yung iba?" tanong ko dahil mukhang mas nauna siyang dumating sa akin.

"Ah yung dalawang lalaki kinakausap sa office... narinig ko kasi nanduga sila sa mga exam." Nakakagulat naman yon.

"Mahirap talaga ang tatlong exam... hindi ko nga alam paano ako nakapasa yung Korean staff na last examination na mahigit 1000 ang tanong? Kaloka nawindang ang buong pagkatao ko." Napapangiti ako sa tuwing magsa-salita siya dahil naaalala ko sakaniya si Marielle. Parehas silang kengkoy at kung ano-anong new words ang ginagamit.

"Eh anong mangyayari doon sa dalawang lalaki?" tanong ko. Nakakaawa naman pero yung thought na nanduga sila, unfair nga naman.

"ewan... baka hindi na sila isama." Sabi niya habang nagsa-salamin.

"Alam mo dahil maganda ka flower na ang tatawag ko sayo..." ani niya at sinipat yung bag niya.

Nakita ko yung poster sa loob ng bag niya, fan din siguro siya.

"Fan ka ba ng youth?" tanong ko. Napahinto siya sa pag-aayos at tumingin sa akin.

"Paano mo nalaman?" napangiti ako sa sinagot niya. Pero hindi yon ang magiging dahilan para aminin ko sa sarili kong fan parin nila ako.

"nakita ko lang yung poster... mukha ni V.I yung nakabungad."ani ko. Ang grupo ng the youth ay isa sa pinaka magaling na boy group sa buong mundo, sakanila nanggaling ang lahat ng mga ginagawa ng mga pa-usbong na kpop boy group ngayon. Sila V.I,  Frank, Top, Sol at Sun lima sila sa grupo at ngayon nasa 30's na sila dahil masyado na silang matagal sa industriya pero nakakamangha dahil hindi pa rin nila tinalukuran despite sa mga nangyari sa grupo nila.

"oo tska fan din ako ng mini girls!" ani niya at ginaya ang favorite pose ni sungmin, leader ng mini girls under din sila sa LC Entertainment. Bawat grupo may kaniya-kaniyang staff at utilities kaya naman feeling ko ang dahilan kaya sila nagkaroon ng evalution dahil ngayon buwan ng September hanggang October ay magiging busy ang lahat dahil sa sabay-sabay na comeback pati na rin sa ibang entertainment at kailangan nila ng mga katulong para magawa iyon ng successful.

Nung una pa lang hindi na ako sumang-ayon sa ideya ng evaluation for staff dahil alam kong ginawa lang ng LC iyon para magkaroon ng mas magandang image. Kilala ang South Korea dahil sa sobrang ganda ng lugar at mga bigating Entertainments, ang iba sakanila ay tumatanggap ng foreigners pero madalas nagkakaroon ng discrimination kaya nga kung mapapansin lahat ng idols ay taga korea or may dugong koreano. Kaya alanganin ako dahil isa kami sa mga foreigners at baka maging masama ang ala-ala ko sa SoKor imbis na maganda.

Behind The SceneWhere stories live. Discover now