👑 Chapter 16 👑

880 40 0
                                    

Miss Ann's POV

"Kuya!" halos mahulog si Sebastian sa kama mula sa pagkakahiga dahil sa matinis na sigaw ng kanyang kapatid na si Sabrina.

"Sh!t Sabrina, what are you doing here?"gulat na tanong ni Sebastian sa kapatid niyang si Sabrina.

"Anong nangyari sayo kuya? Bakit ganyan ang itsura mo? Nag mumukha kang aso"nagaalalang tanong ni Sabrina na may halong pangaasar dahil sa mga pasa ni Sebastian sa mukha hindi naman mapigilan ni Sebastian ang mainis dahil sa nangaasar na tono ni Sabrina.

"Tigilan moko Sabrina kung hindi lang talaga ako nag alala sayo baka wala ka ng kuya ngayon"inis na sabi ni Sebastian.

"Anong connect don?"nakangiwing tanong ni Sabrina.

"Syempre nag aalala ako baka wala ng mag aalaga sayo kapag wala na ako at sigurado naman akong mamimiss mo ako"nagtatampong sagot ni Sebastian agad naman itong niyakap ni Sabrina.

"Kuya naman ang bilis mo namang mag tampo. Di mo pa alam na umiyak ako nong narinig ko ang malakas na pag sabog kanina, akala ko nga may masamang nang yari na sayo" naglalambing na ani Sabrina habang yakap yakap ang kanyang kuya Sebastian na ngayon natuluyan nang nasira ang mukha dahil sa kanyang mga sugat na naiipit dahil sa yakap ni Sabrina.

"Lumayo ka nga sakin Sabrina yung mga sugat ko." parang batang reklamo ni Sebastian para namang napaso si Sabrina dahil bigla nalang itong lumayo.

"Sorry kuya."paglalambing nito.

*bogggssshhhh*(tunog po yan ng malakas na pag bukas ng pinto)

Bigla naman silang napatingin sa pinto at doon nila nakita sila Samantha, James, Mary,Mia, Jasmine at Nash na hingal na hingal dahil sa paghahanap ng kwarto ni Sebastian hindi kasi nila narinig kung anong room kaya halos libutin nila ang buong third floor mabuti nalang at nahanap na nila.

"Sh!t may balak ba kayong sirain yang pintong yan?" sarcastic na tanong ni Sebastian. Hindi naman ito sinagot ng amin dahil sa hingal bigla namang napaisip si Sebastian ng

"Ganyan ba talaga sila nag alala sakin?"

"Hoy ano bang problema niyo at balak niyo yatang sirain yang pinto?"tanong ni Sebastian.

"Ghaadd!! halos libutin na namin ang buong third floor dahil may biglang nang iwan samin ni hindi nga sinagot ang tawag namin para tanungin kung anong room ka." medyo OA na paliwanag ni Samantha at umirap kay King mabuti nalang at hindi ito nakatingin sa kanya dahil kapag nakatingin ito kay Samantha nako wala na itong mata.

"Ikaw kasi." bulong ni Sabrina at pabirong siniko si King. Painosenti naman itong tiningnan ni King na para bang wala talaga itong kasalanan.

"Pero kuya ano ba talagang nang yari sayo?" medyo seryosong tanong ni Sabrina.

"Tsk may bobong pumutol ng brake ko mabuti nalang talaga at nakatalon ako bago ito tumama sa isang truck na may mga kargang bakal ang sasakyan. " medyo inis na paliwanag nito dahil sa tuwing naiisip niya ang pagkawasak ng kanyang mahal na kotse ay kumukulo ang dugo niya. Hindi siya naiinis dahil nadisgrasya siya, naiinis siya dahil nasira ang paborito niyang sasakyan.

Tumahimik naman ang lahat na para bang may iniisip lalo na si Samantha dahil may kutob ito kung sino ang may gawa non.

"Kuya Seb pwede ba tayong mag usap?" basag ni Samantha sa nakakabinging katahimikang pumapalibot sa kanila. Agad namang sinenyasan ni Sebastian ang iba na lumabas muna kaya lumabas na ito kahit labag mn sa kanilang kaluuban.

Hindi pa sana lalabas si Sabrina dahil gusto niyang marinig ang pag uusapan ng kanyang kaibigan at ng kanyang kapatid pero hinila na ito ni King palabas ng kwarto. Padabog namang lumabas si Sabrina dahil sa inis at nag simula nang mag lakad papalayo sa kwarto ni Seb.

Mafia Kingdoms Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon