Miss Ann's POV
Kanina pa walang imik si Sabrina sa loob ng kwarto niya. Halos isang oras na siyang nandiyan simula nong nakauwi sila. Hindi parin mawala sa isip niya kung bakit kailangang gawin ni Diana yun. Bestfriend niya ito pero dahil nilamon ng inggit trinaydor siya nito. Ok lang naman sa kanya ang ginawa niya sa kanya pero ang saktan ang mga taong malapit sa kanya, yun ang hindi niya hahayaang mangyari.
“Hey princess.” Malambing na tawag ni Sebastian sa kanya dahilan para mabalik siya sa realidad.
“K-kuya pasok ka.” Pumasok naman si Sebastian at naupo sa tabi niya.
“Alam mo, simula nong pinasok natin ang mundo ng mga gang gang na yan minsan nalang kitang maka bonding pareho kasi tayong busy sa kanya kanyang gang na pinamumunoan natin.” Panimula nito saka.
“I know marami kang iniisip, pwede ko bang malaman kung ano yun?”
“Kuya mahal ko ang mga ka gang ko, pero mas mahal kita. Ayokong may mangyaring masama sayo dahil lang sakin, hindi ko kakayanin yun.” Mahinang sambit ni Sabrina.
“Alam mong alam kong mas malakas ka saken kahit na babae ka, pero Sabrina hindi ako singhina ng inaakala mo. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kaya hindi mo na ako dapat pang alalahanin. You know that i was once a gang leader."
“Pero kuya-----“ hindi na pinatapos ni Sebastian si Sabrina dahil mabilis itong tumayo at humarap sa kanya.
“Pag isipan mong mabuti ang mga desisyon mo Sabrina, dahil kung ano ang desisyon susuportahan kita.” Nakangiting sabi pa ni Sebastian saka nag paalam na aalis na dahil bukas daw ang punta niyang korea dahil mas lumala ang problema nila doon.
“Pero pano na ko kuya?” tanong pa ni Sabrina. Ni isang beses hindi sumagi sa isip niyang mawawalay siya sa kuya niya dahil isa yun sa kinatatakutan niyang mangyari, ang mawalay sa pinakamamahal niyang kuya.
“May mga kaibigan ka Sabrina at alam ko namang hindi ka nila pababayaan. Hindi habang buhay nasa tabi mo ako dahil balang araw mag kakaroon tayo ng kanya kanyang buhay kasama ang ating mga mahal sa buhay. Balang araw mag kakaasawa ka at ako, mag kakaroon ng mga anak.” Paliwanag nito napasimangot naman si Sabrina dahil don.
“Ang advance mo naman masyado kuya.”
“Mas mabuti nayong advance masyado kesa late.” Sagot naman ni Sebastian saka tatawa tawang lumabas sa kwarto ni Sabrina para ayusin ang mga damit na dadalhin niya bukas.
Malakas na bumuntong hininga si Sabrina saka nag isip ng nag isp hanggang sa nakatulog siya sa kakaisip ng kung ano ano.
“KAILAN alis mo kuya Seb?” tanong ni Samantha habang kumakain ng midnight snack. Hanggang ngayon gising parin silang dalawa. Nag aayos pa kasi ng gamit si Sebastian, habang si Samantha naman bumaba para mag midnight snack. Sakto namang nakita niyang gising pa si Sebastian kaya siya ang kinulit kulit nito.
“Bukas mga 10pm.” Sagot naman ni Sebastian na nasa inaayos na gamit ang tingin.
“Kailan naman balik mo?” tanong ulit ni Samantha.
“Ewan. May plano rin kasi akong mag stay don ng ilang taon dahil sa bagong business na itatayo ko.” Sagot ni Sebastian.
“Pano na si Sabrina?” tanong ni Samantha.
“Alam ko namang hindi niyo siya pababayaan kaya ipagkakatiwala ko sa inyo ang kaligtasan niya.” Nakangiting sagot ni Sebastian saka binalingan ng tingin si Samantha na abala sa pag kain ng blueberry muffin na si Sebastian ang nag bake.
“Yeah you can count on us.” Nakangiting ani ni Samantha.
“Alis nako kuya Seb maaga pa pasok ko bukas.” Paalam ni Samantha tumango naman si Sebastian.
TANGHALI na nagising si Sabrina kaya kahit nag dinner siya kagabi gutom na gutom siya. Absent na naman siya sa first subject. Maaga naman siya natulog kagabi pero bakit tanghali na siya nagising? Dahil narin siguro sa mga pinag iisip niya bago siya dalawin ng antok.
“Oh tanghali kana nagising ah.” bigla namang napalingon si Sabrina sa likoran niya. Si Sebastian lang pala na bagong ligo dahil basing basa pa ang buhok nito.
Nginitian niya naman ito ng matamis at binati. “Good morning kuya.” Nakangiting bati niya.
“Good morning din.” Bati ni Sebastian pabalik.
“Anong gusto mo for breakfast?” tanong ni Sebastian.
“Cereal nalang kuya hindii kasi ako mahilig kumain ng marami kapag breakfast.” Sagot naman ni Sabrina sabay inom ng gatas na tinimpla ni Sebastian.
“Ito na.” mabilis namang kinuha ni Sabrina ang bowl ng cereal na hinanda ni Sebastian dahil sa sobrang gutom.
“Gusto mo bang ihatid kita sa school?” tanong ni Sebastian kay Sabrina tumango tango naman si Sabrina habang kumakain.
“Sige kuya. Anong oras pala flight mo?” tanong ni Sabrina.
“Mamayang 10pm, pero gusto ko sana bago ako umalis gusto ko sanang mag mall tayo medyo matagal rin kasi ako don sa korea.”
“Bakit ba kasi kailangang mag tagal ka don ng ilang taon?” kunot noong tanong ni Sabrina. Hindi kasi ito sanay na hindi kasama ang kuya niya. Pero naiintindihan niya naman ito. Hindi habang buhay nasa tabi niya si Sebastian kaya habang maaga pa kailangan niya ng mamuhay na wala ito sa tabi niya.
“Princess alam mo namang nag tatayo ako ng bagong business don kaya kailangang don ako ng ilang taon.” Malambing na paliwanag ni Sebastian at dahil wala nang magawa si Sabrina tumango naman ito at bumuntong hininga.
Pagkatapos kumain ni Sabrina hinatid na siya ni Sebastian sa school. Sobrang late na siya at mukhang last subject ng morning class nalang ang maabotan niya.
“ARE YOU sure nakauwi na siya kagabi?” panglimang beses na yang tanong ni King kay Samantha. Hindi ito mapakali dahil hindi niya pa nakikita si Sabrina sa kahit saang sulok ng school nato.
“Oo nga sabay pa nga silang umuwi ni Kuya Seb.” Sagot naman ni Samantha. Akala kasi ni king hindi pa rin ito umuuwi sa bahay na tinutuluyan niya. Saka hindi sila nakapag-usap ng maayos kagabi dahil dali daling sumakay si Sabrina sa kotse nila kaya si Sebastian lang ang nakapagpasalamat sa ginawa niyang kabutihan. Nag aalala rin kasi siya baka may mga tama si Sabrina. Si Sebastian nga marami siya pakayang babae.
“Umuwi ba siyang may mga sugat sa katawan?” tanong ni king. Hindi niya kasi masyadong naaninag ang kabuoan ni Sabrina kagabi kaya hindi siya sure kung may tama ba ito o wala.
“Wala naman, pero si kuya Seb marami.” Sagot ni Samantha. Wala silang pasok ngayon kaya sa tambayan nalang nila muna sila.
May private room kasi ang royalties, yun ang nag sisilbing tambayan nila if ever wala silang pasok like today. May kanya kanya rin silang mga kwarto ditto pero hindi sing laki ng kwarto nila sa kani kanilang mga mansion. May game room rin sila kung saan madalas tumambay ang mga lalaki nilang kasamahan.
“Are you sure?” pangungumpirma pa nito tumango naman si Samantha kaya tumahimik na si king at hindi na nag tanong pa dahil busy ito sa pakikinig ng music.
BINABASA MO ANG
Mafia Kingdoms Lost Princess
FantasiaEveryone thought that Sabrina Kim is just an ordinary girl they used to see everyday. But they're wrong. Sabrina kim is no ordinary girl. She has a lot of secrets. Sabrina Kim the adopted sister of Sebastian Kim is the long lost princess in mafia ki...