👑 Chapter 13 👑

932 36 0
                                    

Sabrina's POV

"A-anong g-ginagawa mo dito?" Utal na tanong ko sa kaibigan ni King. Hindi ko siya masyadong kilala dahil hindi namn kami nag sasama minsan dito sa school.

"Well actually kanina pa ako dito natutulog pero nagising ako dahil sa music mo." paliwanag niya habang nag lalakad papunta sa direksyon ko. Bigla naman akong nakaramdam nang hiya kaya binaling ko ang atensyon ko sa iba.

"Magaling kapala diyan." nakangiting sambit niya kaya nag init ang pisngi ko sa di malamang dahilan.

Mabuti nalng talaga hindi ako masyadong sikat dito sa pilipinas kaya hindi masyadong mahirap sa akin ang umiwas sa media.

"Uhmm yes, i was once a ballerina."  nahihiyang sagot ko tsaka kinuha ang bag ko.

"Actually I have a younger sister she's a ballet student." nakangiting pahayag niya. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya pala. Lalo na kapag nakangiti siya.

"Talaga?" Tanong ko nakangiting tumango namn ito.

Nagulat nalang kaming dalawa nang biglang bumukas ang pinto ng dance room at bumungad sa amin sila Samantha.

"S-samantha." tawag ko sa pangalan niya. Nakita ko naman sila Jasmine, Mary, Mia, King and his friend's sa likod ni Samantha.

"S-Sabrina." hiningal na sambit niya sa pangalan ko kaya mabilis ko namn siya nilapitan.

"Anong nangyari sayo? Bakit hinihingal ka?" Naguguluhang tanong ko tsaka inabutan ko siya ng tubig ko.

"Kanina kapa namin hinahanap para bumili ng mga kakailanganin mo sa pag babake pero wala ka sa room niyo kaya bigla kaming nag alala sayo baka binully kananaman ng mga clown's dito. Mabuti nalng may nakita sayo na pumasok ka dito" paliwanag niya.

"Ah eh vacant time kasi namin at wala naman akong magawa kaya pumunta nalng ako dito" paliwanag ko.

"Eh anong ginagawa ni Nash dito? tsaka bakit ganyan ang suot mo?" Kunot noong tanong niya.

"Ah eh nag practice kasi ako sa ballet pampalipas oras lang hindi ko naman alam na nandito pala siya natutulog kaya nagising siya."paliwanag ko sa kanya.

"By the way mag bibihis lang muna ako para makabili ng mga ingredients. Pero saan ba tayo mag babake?" Tanong ko bawal kasi doon sa bahay namin baka malaman pa ni kuya ang surprise ko sa kanya.

"Uhm pwedi namn samin total complete naman ang mga ingredients namin doon." suggest nung Nash. Si Nash yung lalake kanina.

"Nakakahiya naman sa pamilya mo." nahihiyang aniya ko.

"Ok lang yan gusto ko rin kasing makilala ka ng kapatid ko im sure magiging close kayo." nakangiting sabi niya kaya napa oo nalang ako pero sakin parin ang ingredients.

Pumunta na kami sa mall para bumili ng mga ingredients pero bago yun ay namili muna kami ng regalo namin kay kuya.

May napili na akong regalo kay kuya pero hindi kasing mahal gaya ng kanila. Kasi naman may regalo na akong cake para kay kuya.

"Oh ano completo naba lahat ng ingredients?" Tanong ni Jasmine na dala dala ang regalo niya kay kuya na isang mamahaling sapatos mga ₱50,000 siguro yan.

"Kompleto na punta na tayo sa bahay nila Nash" sagot ni Mary kay Jasmine na hawak hawak ang regalo niya kay kuya na isang branded na relo mga ₱30,000 siguro yun habang sakin naman ay isang perfume mga ₱5,000 lang wala kasi akong pera tsaka ipag babake ko naman si kuya kaya ok nato.

"Tara na baka maubos pa ang oras natin" ani ni Nash habang dala dala ang mga pinamili ko. Napaka gentleman niya talaga tsaka ang gwapo pa perfect.

"Tara na baka malate pa tayo sa dinner gutom na kaya ako" ani nung isang kaibigan ni King

"Ang takaw mo James" ani ni Mary habang tinitingnan nang masama yung kaibigan ni king na James pala ang pangalan.

"Ang pandak mo Mary." nakangising asar ni James kaya binatukan ni Mary si James pero medyo nahirapan siya doon dahil mas matangkad si james sa kanya.

Tawang tawa naman si James dahil sa ginagawa ni Mary at si Mary naman ay nabwesit don kay james kaya tinuhod niya yung ano ni James.

"S-shit," nahihirapang mura ni james habang lumalaki ang mga mata hawak hawak ang kanyang ano.

"Yan ang napapala ng mga kapreng kagaya mo," inis na sambit ni Mary at nauna nang nag lakad pero bago iyon binatukan niya muna si James dahil napaupo ito dahil sa sakit ng ano niya.

Napatawa naman kami dahil sa reaction niya. Tinulungan ko nalang siyang tumayo dahil napakasakit talaga non.

Pero bago iyon napatingin ako kay King na ngayon ay nakapamulsa na. Nakita ko naman ang pag irap niya sabay lakad.

Psh bakla siguro to. Hayy nakuu bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko sa kanya.




Ilang minuto ang lumipas ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay nila Nash or should i say mansion. Grabe ang laki ng bahay nila parang mansion at ang cute ng mga uniform ng mga maid nila. Parang gusto ko na tuloy maging maid nila dahil sa uniform nilang ang cucute.

"Hey are you ok?" Tanong sakin ni Nash ngayon ko lang napagtanto na medyo napatulala pala ako dahil sa mga iniisip ko.

"Ah oo. By the way Nash pwede mag apply bilang maid?" Tanong ko sa kanya na nagpagulat sa lahat ng mga kasama KO.

"What?" Di makapaniwalang tanong ni Nash napakamot naman ako sa batok. Tong bunganga ko talaga.

"Ahh wala naisip ko lang na mag apply bilang maid niyo dahil ang cute ng uniform nila eh" medyo nahihiyang paliwanag ko sabay kamot sa batok.

Bigla naman silang tumawa lahat kaya napasimangot ako. Bakit? Cute naman talaga ang uniform nila ah.

"Ikaw talaga" natatawang wika niya sabay gulo ng buhok ko. Narinig ko naman ang pag tsk ni king.

Pumasok na kami sa bahay or mansion nila Nash at wow ang ganda ng loob. Kung maganda at malaki ang sa labas mas lalo na sa loob.

Kada may madadaanan kaming maid ay nag bobow sila. Grabe ang ganda. Kapag talaga nandito kayo feeling niyo princesa kayo dahil para na itong palasyo.

"Upo muna kayo ipahahanda ko lang sa mga maid ang kakailanganin natin" sabi ni Nash samin kaya tumango nalang ako at
Umupo sa royal couch nila. Grabe ang lambot talaga.

Umupo na kaming lahat dahil nakakatamad din namn kasing tumayo.

At itong si James mukhang di na masakit yung pagkalalake niya dahil pa lundang itong umupo or should i say humiga.

Feel at home lang ang loko kaya sakot niya yung mahabang couch. Kaya kami dito nag siksikan dahil wala nang mauupuan bali sa isang maliit na couch dalawa ang naka upo.


Pagkalipas ng ilang minuto ay naisipan kong bisitahin ang kusina nila at para narin tulungan ito sa pag aayos ng mga gamit. Ang kapal ko din naman kasi kung hindi ako tutulong sa pag aayos eh ako din naman ang gagamit.

"Uhmm excuse me po" tawag ko sa isang maid na busy sa pag pupunas ng mga malalaking vase.

"Yes maam?" sagot ng maid. Gosh ang cute talaga nila sa uniform nila.

"Ahhm, san po ba banda yung kitchen?" Tanong ko bigla naman itong sumagot at tinuro ang direksyon papunta sa kusina.

Habang tinatahak ang daan papunta sa kusina di ko mapigilan ang pagkamangha dahil sa laki at ganda ng mansion nila Nash.

"What are you doing here?" Tanong ng isang pamilyar na boses at dahil sa gulat bigla nalang ako napa atras pero mukhang mali ang pag atras ko dahil may mop palang nakalagay don dahilan para madulas ako.

************
A/N:
Sana nagustohan niyo guys and sana basahin niyo ito hanggang sa huli( ˘ ³˘)❤

Edited po itong part nato😊

Mafia Kingdoms Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon