CHAPTER 17

44 5 0
                                    

3 months later

It's been a month noong sinugod si papa sa hospital para mag-paheart transplant naging maayos naman ang lagay niya at wala na ulit akong balita.

Para nanaman itong nawala na parang bula...ingit at galit ang naramdaman ko...sa totoo lang samantalang kami yung totoong pamilya niya pero ang pinili niya ay iba kesa saamin ni mama.

Bakit kasi ang unfair ng mundo? Para ako laging pinag-kaitan...dahil ata siguro masaya na sa iba ang papa ko...minsan iniisip ko nalang na sana panaginip nalang ang nangyari saaming tatlo..ngayon kaming dalawa nalang ni mama...kami nalang ang mag-kakampi.

Pangarap ko pa naman noon e balak ko silang tayuan ng malaking bahay kapag nakapag-tapos nako sa college...tsaka balak ko rin na patigilin sila sa pag-tatarabaho dahil ako na mismo ang mag-sisilbi sakanila.

Yung pangarap ko na yun parang nauwi nalang sa wala...yung saya na naimpundar namin noon napalitan ng lungkot.

Hindi ko alam wala akong maintindihan? Ano ba kasing buhay ng isang pamilyado?masaya ba o mahirap?

Napatingin naman ako sa mag-anak masaya sila na pag-masdan...nakakaingit sila andito nga pala ako ngayon sa sunken garden ng UP napag-isipan ko muna na mapag-isa muna ngayon...dahil sabado naman at walang pasok.

Pero tumayo ako kaagad at napag-isipan ang lakadin ang buong sunken garden...hangang sa makalabas ako at makarating naman ako ngayon sa isang village na kung saan familiar saakin...at napag-tanto kong sa lugar na ito e dito ang condo ni gabriel.

Napatingin naman ako sa building na nasa harapan ko...at walang ano-ano ay pumasok ako rito...walang ideya si gabriel na pupuntahan ko siya.

Ano kaya ginagawa noon? ...sumakay ako sa elavator at pinuntahan ang condominium niya...hindi naman ito nakasarado dahil nakaawang lang ang pinto kaya naman dahan-dahan ko itong binuksan huwag lang makagawa ng ingay.

Kilala na ako ng mga aso niya araw-araw ba naman e halos naka tambay ako...maliban nalang kung pupunta ako sa malabon.

Bukas ang t.v noong pag-pasok ko...mukhang nanonood nanaman siya ng bl series.

Nakita ko naman nakaawang ang kwarto niya...kaya naman napag-diskitahan ko silipin iyon kung nandoon ba siya pero wala ang bading.

"Asan kaya amo mo?" Tanong ko sa walang kamuwang-muwang na tuta na nakatingin saaken.

Pumunta naman ako sa sofa...habang nakasunod saakin ang mga tuta niya...nakikipag-laro sila saakin pero ako ayaw ko naman.

Paminsan-minsan sinusubuk-subukan nila akong kagat-kagatin e bigla ko naman binubugaw pero may kasama itong tahol.

" Mana ka sa amo mo e no!" Usal ko pa...
Habang ganon ang lagay ko sa sala.

Bigla naman tumakbo ang mga tuta ni gabriel sa kusina ng biglang nakarinig nang kalabog...tumahol-tahol pa ito...kaya naman nakaisyoso narin ako..

Halos magulat naman ako ng makita ko si gabriel.

" Hoy gaga ka!" Hindi lang pala ako nagulat pati siya...bigla naman ko naman napag-tanto na hindi pa pala siya nakabihis at mukhang bagong ligo...matawa-tawa akong tinitigan ito...animo'y daig pa si maria clara na ayaw mabusohan.

Nakabilot ang tuwalya niya sa ulo niya...habang ang isang tuwalya niya naman e para siyang ibinalot na lumpia.

Halos mapag-mura ako nito habang pilit ako pinapaalis dahil mag-bibihis pa daw siya.

" Tangina mo Samantha." Pahabol niya noong makabalik naman ako sa sala's niya...tanging bukas na t.v lang ang mismong bumabasag sa katahimikan.

Hindi ba naboboring ang bakla? Sa bagay may t.v at internet siya...meron din yung mga tuta niya na pwedeng-pwede niya mapag-libangan.

Medyo matagal-tagal din ang bakla sa kusina pero maya-maya lang din e lumabas na at nakabihis na ito...

" Napadpad ka nanaman dito ha?" Tanong niya sabay upo sa tabi ko.

" Boring sa bahay." Sambit ko sabay kabit balikat pag-katapos ay humiga sa sofa habang pinatong ko naman ang binti ko sakanya.

" Feeling at home ha." Sabay hampas sa binti ko at pinang-gigilan...sanay nako sa ganito naming set up kaya minsan yung mga kaklase ko kapag nakikita kaming clingy dalawa sa isa't-isa ginagawan nila ng malisya.

Maraming nag-sasabi din na bagay kami pero todo tanggi naman kaming dalawa...nakakadiri daw kesyo hindi naman kami bagay at talong ang gusto niya ...kahit anong pilit na ship nila saamin e never daw niya akong papatulan dahil sister kami by heart kahit hindi sa dugo.

Noong una masakit pero ipinagsa-walang bahala ko nalang ang nararamdaman ko para sakanya...baka nga dahil ganon ang nararamdaman ko e dahil siya ang kasa-kasama ko sa araw-araw.

Bale ilang buwan nalang malapit na akong mag debut...iniisip ko kung sino ang last dance ko...ayaw ko naman si papa..pero ang nasa isip ko gusto ko si gabriel ang huli kong makakasayaw dahil isa siya sa mga naging special sa buhay o diba! Ang haba ng hair ni bakla kahit inaapi-api ako nyan minsan e special parin siya sa puso at isipan ko...Boom!

Gaanon ang lagay ko ng sa sofa ...sobrang gulat ko rin e umakyat ang tuta ni gabriel at umupo sa tyan ko...sasawayin ko sana ito para paalisin pero...pinigilan ito ni gabriel at hinamas-himas.

" Stay." Utos niya...sinamaan ko naman ng tingin si gabriel. " If you are not stay here, she will not stay here to."  Banta niya sa aso...sa palagay ko mukhang pinag-titripan nanaman ako ni gabriel...kaagad ko naman binato ang throw pillow sakanya na nasa uluhan ko pero ang loko nagawa pa nitong umilag at tinawanan ako.

" Girl! Chilee! It's just a dog."  Pang-aasar nya saakin...pinaka ayaw ko pa naman sa aso e yung nag-lalagas ang balahibo lalo na kung itim yung damit tapos didikit yung balahibo tapos mahihirapan ka tangalin.

Agad naman akong umupo inalis ko narin ang ang binti ko sakanya pati ang aso.

" Oh bakit?" Tanong nito na patawa-tawa...
" Gusto mo na ba umalis.?" Patay malisya nitong tanong...inirapan ko ito...kaagad naman akong tumayo.

"Yes." Tipid kong sagot at umarangkada nanaman ang pride ko...hindi ko siya pinansin noong papalabas nako sa pinto...narinig ko pa siyang sumigaw na.

"PARANG BIRO LANG BUNGOL KA NANAMAN!"  Noong sinabi niya iyon para akong nakonsensiya...i didn't step back kahit na sumigaw pa siya basta nalang ay nilabanan ko nalang ang nararamdaman ko dahil.

Tumitibok nanaman pala ang puso ko ng sobrang bilis...napailing nalang ako at binura ang malisyang iniisip.

























FULL OF HOPELESSNESSWhere stories live. Discover now