CHAPTER 6

63 5 0
                                    

kinaumagahan ulit nalaman pala nila issabela, Avah, at Savannah balita kaya naman hindi sila nag-pangali-ngali ng pag-punta dito nila sa bahay ako lang ang tao inaya rin nila si gabriel. Parang kahapon lang kakagaling lang nya rito para mag-hingi ng pirmiso sa pormal na panliligaw niya.

" Spill it!" Sabay bato saakin ni avah sa mukha ng throw pillow kaya naman ibinato ko ulit sakanya iyon pabalik mag-katabi kaming dalawa ni gabriel agad kong hinawakan ang kamay niya ganon din naman ang ginawa niya itinaas namin ang kamay habang magkahawak , yung tatlo naman e halos naguguluhan sa rebelasyon na nagaganap.

" Halos may 3 months narin simula noong umamin ako sakanya." Kwento ko naman na sabay ikinakunot ng noo nila si savannah  naman e  uminom nang coke na kakabukas niya lang pero sabay buga din sakto naman tumama iyon sa mukha ni Avah kaya naman nakatikim si savannah ng malakas na batok kay Avah habang pinupunasan ang mukha.

" Na?" Pag-hihintay ni issabela.

" Gusto ko siya." Sagot ko pa pero ang itsura ni issabela ay hindi na nagulat.

" Well congrats sainyong dalawa!" Masayang pag-tugon niya " Ano estado ninyong dalawa na?" Tanong nito at nagkatitigan naman kami ni gabriel sabay at naming ibinababa ang kamay.

" Girl sa ngayon nanliligaw palang ako." Sagot ni gabriel kaya naman ang dalawa sabay nag-iritan dahil kinilig...si issabela naman ay tumango at galak na galak ngumiti. " Pero hindi ibig sabihin noon ako lang ang manliligaw dahil siya naman talaga una mismong umamin." Galak nitong sagot habang may dalang kahanginan, dahil may sariling utak ang kamay ko at diko nagustuhan ang pagkakasabi niya mabilis naman itong nakatikim ng pinong kurot mula sa tagiliran. "Ano ba girl! " Reklamo niya sabay ang pag-irap saakin.

   Wala naman nag-bago sa pakikitungo niya saakin simula noong tatlong buwan parang normal lang lahat kung saan kami nag-umpisa mismong dalawa.

Nagulat naman ako ng pitikin ako sa noo ni gabriel upang mapabalik ako sa ulirat at walang ano-ano'y hinambalos ko siya ng coke mismo na walang laman.

" Girl ha! " Salag niya sa bote na walang laman at inagaw iyon saakin kaagad ko naman siyang inarapan pero ang loko binigyan lang ako ng isang nakakaasar ma ngiti.

" Ay nagliligawan palang LQ agad." Tusko bigla ni Avah. " Hayyy! Buti pa si sam saating apat magkakalove life na samantalang kami pinag-hihigpitan kami ng parents namin." Usal nito kaya naman sinapawan siya ni savannah.

" Ay ano ka te? Paanong hindi mag-kakalove life wala naman nanliligaw sayo dahil natatakot sa itsura mo." Bastos na bibig na sabi ni savannah.

" Anong sinabi mo?!"  At tuluyan na ngang nag-bangayan ang dalawa, si issabela naman tila'y kunsimido sa dalawa animo'y akala mo mga teenager parin kung umasta katulad ng dati.  Dahil pinagigitnaan si issabela agad naman itong umupo sa lapag ng sahig at tumapat saamin.

" Parang mga bata." Usal niya sa dalawa saaming apat kaming dalawa lang ang matino pero kung tutuusin matino naman si savannah sadyang mapag-patol lang kay Avah dahil may pag-kaisip bata ito pero sa aming apat si savannah ang pinaka bunso at si issabela naman ang panganay sumunod naman ako pati na si Avah ay sumunod saakin hangang sa huli ay si Savannah na nga.

Sakto naman na natamaan si issabela ng throw pillow dahil nag-hahampasan sila Avah at Savannah sa ibabaw ng sofa.

"Ikaw ang panget!"

" Hindi ako panget e ano kapa? Mukha kang pwet tanga!" Walang nag-patalo sa dalawa...napailing nalang si issabela at kinuha ang coke mismo na walang laman.

" Spin the bottle tayo "aya niya kaya naman natigil ang dalawa.

" Sali/sali" Nagkasabay lang sila pero nag-kairingan ang dalawa.

FULL OF HOPELESSNESSWhere stories live. Discover now