CHAPTER 10 ENDING

53 3 0
                                    

SPECIAL CHAPTER

2020

" Kailan kaba uuwi kasi ditong bruha ka, alam mo naman hindi aari sa anak natin ng walang nanay." Aniya ni gabriel noong mabuksan-buksan ko ang camera ng monitor, naandito kasi ako ngayon sa canada oo tama kayo natuloy ako.

Napabuntong hininga nalamang ako.

" Asan siya?" Aniya ko

" Ayon nag-lalaro sila ni grace." Pag-sagot nito  sa tanong ko  habang kumakamot ng ulo medyo nag-kakauban narin ito, kaya naman natawa ako.

" Bakla ka dumami uban mo, bat hindi ka nag-papakulay ng itim?"

Hindi pa naman matanda si gabriel 25 years old palang naman ito habang ako naman 26 years old.

" Eh sa nakukunsumesyon ako eh, manang-mana sayo talaga anak mo." Anito mag-lilimang taon na kasi anak namin sa araw ng mga puso.

Bigla ko naman naalala si issabela comatose kasi ito noong umalis ako papuntang canada.

" Si issabela?" Ani ko

" Edi ayon okay naman na siya."

Sagot nito at napahikab ako madaling araw palang naman dito habang sakanila ay hapon na.

" Ano oras na dyan?" Ani nito

" Madaling araw palang mga 3:00 A.M" Ani ko sabay napahikab.

" Inaantok kana ba?" Tumango ako, dahil may trabaho pa ako mamaya.

" Uhm." Aniya ko

" Pa uhm-uhm ka dyan ha?"

" Hinihintay ko pa si genesis eh." Sagot ko pa habang papikit-pikit kaya naman noong nakita kong pa make-face make-face si bakla nawala bigla ang antok ko at natawa sakanya.

" Si genesis nalang ba lagi hinihintay mo sa tuwing tatawag ako ha? " Tanong nito na taas-taas ang kanan kilay.

" Heto naman pinag-seselosan mo ang anak natin." Ani ko

" Hindi naman." Humalukipkip ito ng ikinatawa ko.

Tumayo ako sa harap ng monitor.

" Gabriel." Ani ko na hawak-hawak ang puson. " Ibaba ko muna ang tawag lipat ko nalang sa selpon kasi mag-ccr ako. " Paalam ko dito .

" Go girl." Aniya kaya naman agad ko inend ang call at kinuha ang selpon ko mula sa kama.

Binuhay ko naman ang wifi para kumonek ito sa selpon noong nabuhay ko naman iyon dumeretso ako sa account ng skype ni gabriel para ito tawagan.

Nag-ring ito ng tatlong beses.

" Hello." Aniya ko habang lumalakad ako papuntang cr..Pero agad din naman ako lumabas noong natapos ako at bumalik ulit sa kwarto.

" Tinawag kuna si genesis." Anito na umaayos ng upo.

Kaya naman tumango ako at maya-maya lang din nga dumating na si genesis na may dala-dalang ngiti ito mula sa labi.

Mukha nga itong hindi pinababayaan ni gabriel at mukhang napabayaan  lang ito sa kusina dahil buntog na buntog ang mga laman-laman nito na parang longanisa.

Nakakagigillll!, aniya ko mula sa isipan.

Kinandong naman ito ni gabriel sa harap ng monitor at pinunasan nang pawis.

" Ano bayan! Ang asim mo ng bata ka!" Anito habang nilalagyan ito ng pulbo sa likod at sinusuklayan.

" Gabriel h'wag mo itapat iyan sa bentilador." Ani ko baka kasi matuyuan ng pawis si genesis.

Kaya naman napalingon sa'kin ang bata na tila'y gulat na gulat.

" Mamsie!!!" Anito nito na halatang miss na miss ako kaya naman kinawayan ko ito.

" Genesis bakit ka pawis na pawis ha?" Aniya ko.

" Eh nag-bike po kami ni tita grace kasi mamsie." Ani nito kaya naman napatango ako.

" Ikaw ba natutulog tuwing tanghali ha?" Tanong ko.

" Opo."

" Tinuturuan kaba ni papsie mo mag-aral ha?"

"Uhmm opo mamsie" Aniya bigla

" Gusto mo mamasie mag-binary code ako? Kasi tinuruan ako ni papsie alam mo po iyon mamsie?" Bibo nitong kwento sa'kin kaya naman napasapo nalang ako mula sa noo ko hayyy walang katapusan nanaman na binary code. Mabuti nalang talaga hindi nag-mana sa'kin si genesis ng IQ kundi kawawa siya nako!, buti nalang tinutukan talaga ito ni gabriel.

Nakita kong natawa si gabriel.

"Si-sige nga sample nga." Ani ko na napilitan pa ako.

Mariin naman akong napapikit noong sinimulan na banggitin ni genesis ang numero.

" Zero one one zero one zero zero one

Zero one zero zero one one zero zero
Zero one zero zero one one one
Zero one zero one zero one one one
Zero one zero zero zero one zero one

Zero one zero one one zero zero one
Zero one zero zero one one one
Zero one zero one zero one zero one

Zero one zero zero one one zero one
Zero one zero zero zero zero zero one
Zero one zero zero one one zero one
Zero one zero zero zero zero zero one "

Kunot noo kong tinignan si genesis hangang sa matapos ito sa pag-babangit ng binary code kahit wala naman ako maintindihan.

Hindi ko malaman kung saan ba talaga sumakit ang ulo ko...sa pagod ba o Puyat ..parang mas lumalala lang ito noong binanggit ni genesis ang binary code niya.

Tinignan ko naman sa gabriel na nag-pipigil ng tawa, habang ako naman napapakurap-kurap para kasing bigla nalang mag-fly away ang utak ko.

Natulala nalang din ako kay genesis.

Bakit ba tinuruan ng ganito ni gabriel si genesis?? Ani ko mula sa isipan.

" ano ibig sabihin noon?" Pag-kukunwari ko

" Uhm i love you mama po! Mamsieee!!!" Aniya na bibong-bibo na at nag-lilikot sa harap ni gabriel.

" Ay ang sweet naman.." Aniya ko.

" I love you to baby ko genesis tabiching-ching." Aniya ko.

Maya-maya pa ay umalis ito sa kandungan ni gabriel at tumakbo ito papalabas.

Talaga naman oh.

" Kailan ka nga dito uuwi?" Aniya na nangalumbaba sa harap ng monitor.

" Uhm secret?" Aniya ko kaya naman nakabusangot ito.

" Tsss!"

" Basta magugulat kanalang ginagapang na kita sa kama." Aniya ko ng ikinatawa ko naman dahil sa naging reaksyon niya.

Halos mamula-mula ang mukha nito.

" Malapit na mag-pasko."aniya na nakabusangot.

Oo nga naman  tuwing pasko kasi umuuwi ako ng pinas, tsaka citizenship na ako sa canada dahil matagal narin naman akong namamalagi doon kaya kahit anong oras pwedeng-pwede ako pumunta sa pilipinas.

Kaso ngalang nagiging  abala rin ako sa trabaho dahil palagi akong on duty sa isang clinic sa mental hospital.

Sa una mahirap at nakakatakot rin lalo na sa mga pasyente kong dapat itreatment pero kalauna'y rin naging maayos naman ang serbisyo ko.

Hindi ko rin sinabi kila gabriel na bukas ako uuwi sinabi ko narin sa tita ko na uuwi na ako ng pinas kaya naman pumayag ito.

" Eh ano naman kung pasko?" Sagot ko kaya naman napabusangot ito.

" Gusto ko kasi na magsama-sama tayo sa salo-salo tsaka gusto ko rin naman makumpleto tayo ng bagong taon." Ani nito na magmamakaawa.

Sa totoo lang miss na miss ko nalang talaga ang mag-ama ko.

"Oo na oo na uuwi na!" Kunwari'y napilitan pa ako sa sagot ko.

Kita ko naman ang pagkinang ng mata ni gabriel na nangangahulugan na masaya ito.









FULL OF HOPELESSNESSWhere stories live. Discover now