CHAPTER 8 ENDING

47 3 0
                                    


Nagising ako ngayong madaling araw, napatingin naman ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog habang maingat na inaangat ang braso  niyang nakayapos  sa'kin marahan akong bumangon h'wag lang siya magising. Kahit na mabigat ang katawan ko sinubukan ko parin mag-lakad papuntang cr paano ba naman kasi nakaramdam ako ng pag-kahilab. Kaya naman noong pumasok nako sa cr agad ko din isinara ang pinto at pinatulo naman ang gripo hinayaan ko lang lumagaslas ang tubig na tumatapon sa sahig.

Hinubad ko ang short at underwear ko dahil hindi ko mapigilan ang pag-hihilab ng tyan ko dahil noong hating gabi palang nararamdaman  ko na ito. Ilang oras din ako nandito sa cr para mag-labas ng sama nang loob ngunit nag hintay lang naman ako sa wala at yamot na nag-hugas ng pwet.

" Bwiset!" Aniya ko mula sa isipan ko dahil naistorbo ang mahimbing kong pag-tulog.

Agad naman akong lumabas ng cr.

Hangang sa nakaramdam ako ng pag-kauhaw kaya naman kumuha ako ng tubig mula sa pitsel, malamig iyon galing ref kaya naman tumigis ako sa isang baso na babasagin.

Nagulat naman ako ng mabasag sa kamay ko sa babasagin na baso dahil sa maling pag-hawak ko.

" Putcha!"aniya bulong ko, kaya naman tinapon kuna ito sa basaruhan.

At hindi lang iyon dahil nga tanga-tanga ako muntik pa ako madulas dahil nakatapak ako ng basa mula sa sahig.

" Ang tanga!" Bulong ko sa sarili kong yaon-yaon sa sala habang ang dalawang mag-kapatid mahimbing parin na natutulog.

Dahan-dahan akong napaupo sa tabi ni gabriel..

"Hepss!" Aniya ko muntik ko pa maupuan ang kamay ng bakla kaya mabilis ko itong inalis.

Bigla naman ako napatingin sa tyan ko na gumagalaw  kaya hinimas-himas ko iyon.

" Ano ang gusto?" Aniya kong bulong dahil nangingirot ito.

Hindi talaga siya mapakali dahil nag-sisipa na ito sa tyan ko at parang gusto na yatang makawala.

Muli ko naman tinignan si gabriel at tinapik-tapik ang pisnge nito, ngunit hindi parin ito natitinag dahil hindi parin ito magising-gising.

Kaya naman nalipat ang tingin ko kay kuya garreth, tsk! Bakit ba ang layo nito..aniya ko mula sa isipan ko. Malayo kasi ang pagitan namin dito kami sa tabing sofa ni gabriel natulog, habang si kuya garreth naman nasa paahanan namin pero malayo-layo iyon.

No choice ako kung hindi gisingin si gabriel at sinampal ito ng pagkalakas-lakas.


Sakto din naman noong nag-ring ang selpon ko at galing iyon kay issabela, nag-takha naman ako bakit siya napatawag dahil madalang lang naman ito kung tumawag dahil madalas lagi itong abala sa trabaho.

Kunot noo ko itong sinagot.

[ hello?] Aniya ko sa kabilang linya habang hinihintay siyang sumagot, sakto naman napatingin nako kay gabriel na ngayon ay kakabangon lang at papungas-pungas na nakatingin sa'kin.

Ang kaninang pag-hihilab ng tyan ko bigla naman nawala.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng isang halakhak kaya naman halos nangunot ang noo ko.

FULL OF HOPELESSNESSWhere stories live. Discover now